^

Pang Movies

Zsa Zsa, 2015 pa ang huling concert

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Zsa Zsa, 2015 pa ang huling concert
Zsa Zsa Padilla

Marami raw nami-miss gawin si Divine Diva Zsa Zsa Padilla ngayong 58-years old na siya. Kabilang sa mga ito ay ang mag-recording at mag-concert sa malaking venue.

Huling ni-record na album ni Zsa Zsa ay noong 2015 pa at ang last concert niya ay noong 2019.

Sa mga nagdaang taon daw kasi ay mas naging focus niya ay ang pag-arte sa teleserye.

At kung sakaling mabibigyan daw siya ng pagkakataon na mag-solo concert ulit, sisiguraduhin niya na handa ang katawan niya para sa pag-perform.

“I’m not thinking of I want to be sexy on stage, I want to look presentable. Hindi na namin ‘yon desire na ‘oh ang sexy, sexy mo.’ Na-wi-weird-an na ako roon, kasi hindi ko na desire ‘yon. Siyempre kapag bata ka gusto mo talaga maging sexy. I just want to look good for myself,” sey ni Zsa Zsa sa programang Magandang Buhay.

Masaya naman daw si Zsa Zsa sa kanyang love life. Going strong relationship niya with Architect Conrad Onglao sa siyam na taong pagsasama nila.

Joross, rubber shoes lang ang nakita sa unang commercial

Nag-throwback si Joross Gamboa sa unang paggawa niya ng TV commercial pero hindi naman daw nakita ang mukha niya kundi ang suot niyang rubber shoes sa kabuuan ng TVC.

Sa unang TV commercial niya ay nakasama niya si Charlene Gonzalez at basketball player ang role ni Joross.

“Pasikat ako, dribble-dribble akong ganyan. Tapos noong ipinalabas na ‘yung commercial, first shot rubber shoes ko, bago ‘yung rubber shoes ko nu’n eh. Tuwang-tuwa ako, binili ko ‘yan! Tapos hindi na umangat ‘yung shot. Rubber shoes ganyan, tapos biglang lumayo, blurred na. Natapos na ‘yung commercial,” sabay tawa ng malakas ni Joross.

Hindi naman daw nawalan ng pag-asa si Joross na one day ay makikita rin ang mukha niya sa TV.

Naging contestant si Joross sa kauna-unahang Star Circle Quest ng ABS-CBN 2 noong 2004 at sabay niyang nagkapangalan sa naturang reality-competition show sina Sandara Park, Hero Angeles, Roxanne Guinoo, Neri Naig, Michelle Madrigal, Melissa Ricks, at Joseph Bitangcol.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with