^

Pang Movies

Piolo at Dennis, gagawin ang buhay ng unang serial killer na pari !

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Parehong gagawin nina Piolo Pascual at Dennis Trillo ang tungkol sa kinu-consider na first priest Serial Killer na si Fr. Juan Severino Mallari na pa­rish priest ng Magalang, Pampanga. Ang kaibahan lang, movie version ang gagawin ni Piolo at may pamagat na Mallari.

Global series naman ang pagbibidahan ni Dennis at ang title ay Severino, global co-production ito ng CreaZion Studios nina Rex Tiri, RJ Agustin, at Real Florido at ang Fire & Ice Productions nina Liza Diño-Seguerra at Ice Seguerra.

Matagal nang nabalita ang Mallari movie na gagawin ni Piolo at ang Severino naman ay in-announce sa Cannes Film Festival at na-report sa Variety. Nakakaa­liw lang na pinaghiwalay pa ang pangalan at apelyido ni Father Severino Mallari na parehong mapapanood sa pelikula ay series.

Hindi pa masyadong na-explain ng CreaZion Studio kung ano ang ibig sabihin sa first international distribution.

Herlene, may revenge!

May teaser na ang Magandang Dilag ni Herlene Budol at magandang balita ito sa supporters niya na matagal nang hinihintay ang unang pagbibidahang afternoon series. Nagtuluy-tuloy na yata ang taping nito nang ma-blind item sa rason kung bakit natatagalan ang taping ng series.

Sa teaser, sinasaktan ni Maxine Medina si Herlene at tinawag na “hipon,” at ang voice over na gaganti siya. Revenge series daw ang Magandang Dilag at sa simula, naka-prosthetics ang karakter ni Herlene at gaganda habang tumatakbo ang story.

Kris, babae ang magiging baby

Ang ganda ng video ni Kris Bernal tungkol sa nae-experience ng pregnant women at ang pinagdaraanan nilang pregnancy hormones. Relatable ang topic dahil karamihan sa mga buntis, nararanasan ang mga pinagdaraanan ngayon ni Kris who is pregnant with her first baby.

May epal na netizen na nag-comment ng “nangi­ngitim na kilikili mo idol,” na sinagot ni Kris ng “Yes! Just like other pregnant women. I’m no exception. Just one of the many changes in my body during pregnancy. There’s more.”

Sagot pa ni Kris, malaki na rin ang ilong niya at lahat na ay malaki sa kanya at good thing ito dahil ibig sabihin, growing and healthy ang baby niya.

Ang hindi niya nasagot at hindi rin nabasa ng followers niya ay ang comment na manganak na siya para matigil na ang kaartehan. Kaartehan ba ‘yung nire-record mo for posterity purposes ang bawat galaw at ginagawa mo habang buntis ka?

Sigurado namang hindi titigil sa pagre-record si Kris at maghintay kayo kapag nanganak na siya ng baby girl nila ng asawang si Perry Choi at baka lahat naka-video.

Dahil pala sa paglaki ng ilong at pangingitim ng kilikili, may mga humulang boy ang isisilang ni Kris. 

vuukle comment

DENNIS TRILLO

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with