Shamcey, nagpaliwanag sa lutuan sa Miss U PH
Ilang araw pagkatapos ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2023, nagsalita na ang national director ng MUPh na si Shamcey Supsup-Lee tungkol sa mga akusasyon ng maraming netizens tungkol sa mga kontrobersya sa naturang pageant.
Maayos na in-address din ni Shamcey ang tungkol sa naging “technical issues” ng pageant at ang akusasyon ng marami na “cooking show” ang naganap sa coronation night. Hindi raw fair na basta na lang akusahan ang fellow MUPh executives na sina Jonas Gaffud and Voltaire Tayag of mishandling the pageant.
“We have always remained steadfast in our values and integrity, never wavering from upholding what is right, regardless of the consequences. I raise a toast to all those who believed in us and recognized our hard work and dedication to this platform. Now, it’s time to set our sights on the next stage! Cheers!” sey ni Shamcey.
Nagpasalamat naman si Shamcey sa mga sumuporta sa kanilang organization at sa pagsang-ayon sa napiling winner na si Michelle Marquez Dee.
Ang importante raw ay suportahan natin si Michelle Dee sa pag-compete nito sa Miss Universe 2023 sa El Salvador. Pati na rin ang ibang umabot sa Top 5 na sina Miss Supranational Philippines 2023 Pauline Amelinckx, Miss Charm Philippines 2024 Krishnah Gravidez, and runners-up CJ Opiaza and Angelique Manto.
Michelle, nahirapan sa Divorce
Kinuwento ni Michelle Madrigal kung paano nabuo ang kasunduan nila ng ex-husband niyang si Troy Woolfolk sa custody ng anak nilang si Anika. Ibinahagi ni Michelle ito sa kaniyang recent vlog sa YouTube na My Co-Parenting Journey.
Pag-amin ni Michelle, humarap sila ni Troy sa isang mediation para maging maayos ang pag-uusap nila sa custody ni Anika.
“In all honesty nagkaroon kami ng mediation. At that time I was just very emotionally distraught. I was just, done. I was done with the divorce, it wasn’t an easy divorce, the other person wasn’t cooperative, I just wanted out of it.”
Ang naging desisyon daw niya ay base sa ikabubuti ng kanilang anak.Inamin ni Michelle na karapatan ng bata na makilala at makapiling pareho ang kanyang ama at ina kahit hiwalay na ang mga ito.
- Latest