^

Pang Movies

Producer ng concert sa Amerika, ‘di manahap si Tom

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Producer ng concert sa Amerika, �di manahap si Tom
Tom Rodriguez

Nalungkot ang maraming netizen nang hindi na nila mahanap ang Instagram account ni Tom Rodriguez.

Kung noon daw ay dini-delete lang ni Tom ang uploaded photos sa kanyang IG account na @akosimangtomas ngayon ay tuluyan nang naglaho ang kanyang IG account.

Puro fan accounts na lang daw ang makikita at puro mga lumang photos at videos ni Tom ang naka-upload.

Sad ang maraming followers ni Tom dahil kahit hindi na siya aktibo sa showbiz scene sa Pilipinas, gusto pa rin nilang malaman kung ano ang mga ganap nito sa Amerika. May iba kasing followers ang actor na producers ng shows sa US kaya problemado sila kung paano nila makontak ang aktor para mag-show sa ilang Filipino communities.

Para naman sa ilang marites na followers, gusto nilang malaman kung nag-comment ba si Tom sa malapit nang matapos na bahay ng ex-wife na si Carla Abellana.

Marami pa rin ang nanghihinayang sa sinapit ng relasyon ng dalawa.

Alam naman nilang hindi basta-basta maaayos ito dahil maraming taong na-involve at nasaktan.

Andrea, nilinaw ang naging relasyon nila ng Hollywood star na si Vin Diesel!

Biglang nag-throwback si Andrea del Rosario sa unang pag-meet nila ng Hollywood action star na si Vin Diesel sa Amerika noong 2007.

Sa programang Sarap Di Ba? ay kinulit-kulit si Andrea ni Carmina Villarroel kung totoo bang nagkaroon sila ng relasyon ng isa sa bida ng pelikulang Fast X.

Mabilis na sagot ni Andrea ay “wala po” at sabay kinuwento na niya ang gabing nakilala niya si Vin Diesel sa isang bar sa Hollywood, California at inimbitahan pa siya sa bahay nito sa Beverly Hills.

“One time we went to a Hollywood bar, nandoon siya. Kasama ko si Michelle Bayle, kasama ko siya, umiikot kami ng bar. Lumapit sa akin ‘yung bodyguard ni Vin Diesel, sinabi sa akin, ‘He wants to meet you.’ Gumano’n siya. So ayun, he invited us to his house. Can I clarify? Kasi nagla-lights off ng 2:00 a.m. tapos sabi niya, ‘Would you like to join us with the whole group?’ It’s a big group of people at his house in Beverly Hills.”

Nakatanggap daw ulit ng second invitation si Andrea mula kay Vin na bumisita ito sa kanyang bahay.

Pero this time daw ay gustong ipahiram ni Vin ang kotse niya sa aktres dahil alam niyang nagbabakasyon lang ito sa California.

Nalaman ni Andrea na magiliw lang pala si Vin sa mga Pinoy. ‘Yung twin brother daw kasi nito na si Paul, ang napangasawa ay isang Pinay. Kaya alam daw ng aktor na mababait ang mga Pinoy.

Johnny Depp, nakabangon sa court drama nila ni Amber Heard

Mainit ang pagtanggap ulit kay Johnny Depp pagkatapos ng matinding court drama niya with ex-wife Amber Heard.

Muling nakabalik sa paggawa ng pelikula si Depp at nag-premiere sa Cannes Film Festival ang period drama na Jeanne du Barry kung saan ginagampanan niya ang role as King Louis XV. Kasama niya sa movie sina Uma Thurman, Elle Fanning at Helen Mirren.

Naging emotional si Depp nang maglakad siya sa red carpet ng naturang film festival. Mula sa pagiging most-hated celebrity ay muli siyang in-embrace ng maraming tao.

Marami ang nawala sa kanyang projects noong maging biktima siya ng “cancel culture” dahil sa nangyaring domestic abuse case with Amber.

Pero ngayon ay nag-quit na sa Hollywood si Amber at sa Spain na nakatira.

Si Depp naman ay bukod sa may bago itong movie with Al Pacino, kinuha ulit siya bilang face of Dior fragrance for men with a $20 million contract deal.
 

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with