^

Pang Movies

Mark, may pag-asa pa ring maging Ferdinand Marcos

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Mark, may pag-asa pa ring maging Ferdinand Marcos
Mark Bautista

Inamin ni Mark Bautista na umasa siyang mapasama sa all-Filipino cast ng musical na Here Lies Love na ipapalabas on Broadway sa July 2023. Ginampanan ni Mark ang role as Ferdinand Marcos sa 2014 production ng Here Lies Love sa West End in London at noong 2017 sa Seattle, Washington.

Dream daw ni Mark na makapag-perform on Broadway at muling makasama ang mga naging close friends niya sa musical tulad ng Fil-American actor na si Conrad Ricamora na nakilala sa US series na How To Get Away With Murder.

Pero happy naman si Mark noong malaman niyang napunta ang role na Ferdinand Marcos sa Fil-Am actor na si Jose Llana na isang veteran Broadway actor at nakilala sa mga musical na The Flower Drum Song, On The Town, Wonderland, at The King and I.

Napawi naman daw ang lungkot ni Mark nang makatanggap siya ng e-mail na magkakaroon ng national tour ang Here Lies Love at baka isama siya sa cast dahil kakailanganin daw ng understudy para kay Jose Llana.

Matteo, panay ang banggit kay sarah habang nagluluto!

Naging mainit ang pag-welcome kay Matteo Guidicelli sa GMA morning show na Unang Hirit.

Bilang buena mano ay sinalang si Matteo sa isang cooking segment kung saan nagluto siya ng isang pasta dish. Merong Italian restaurant sa Filinvest Alabang si Matteo kaya marunong siyang magluto ng iba’t ibang pasta dishes.

Inamin niya na first time niyang magluto on live television kaya medyo kinakabahan siya.

Habang nagluluto ay panay ang bati niya sa kanyang misis na si Sarah Geronimo na maaga raw nagising para panoorin siya sa UH.

Sinama rin si Matteo sa pag-interview sa bagong kinoronahan na Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee. Sobrang galang ni Matteo sa kanyang interview at tinatawag niyang “ma’am” si Michelle.

Nakatanggap siya ng maraming regalo mula sa mga host ng UH.

At ang pinakamalaking gift ay galing kay Arnold Clavio na isang blow up photo ni Matteo kasama ang motorsiklo nito sa harap ng GMA.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with