^

Pang Movies

Maine, pinahupa ang maga ng mukha bago bumalik sa Eat Bulaga

Gorgy Rula - Pang-masa
Maine, pinahupa ang maga ng mukha bago bumalik sa Eat Bulaga
Maine Mendoza

MANILA, Philippines — Umapir na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga nung Sabado.

So, mali ‘yung sinasabi sa ilang blogs na hindi na raw siya babalik ng Bulaga.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, pinahupa lang daw ni Maine ang maga sa mukha niya dahil sa nagpabunot siya ng ngipin.

Nagpahinga na rin daw ng ilang araw, kaya medyo natagalan bago siya nakabalik.

Ang hindi lang tayo sure kung tutuloy pa rin ba siya sa Eat Bulaga pagkatapos ng wedding nila ni Cong. Arjo Atayde.

Nung Sabado na rin ang last episode ng Daddy’s Gurl at masaya silang nagpaalam sa lahat na mga sumuporta sa naturang sitcom.

Kinuwento nga sa amin ng isa sa cast na si Carlo San Juan na sobrang mami-miss nila ang masaya nilang samahan sa taping ng Daddy’s Gurl.

Napakabait daw ni Maine sa kanila at ang cool daw ni Bossing Vic Sotto.

Kaya kung puwede lang daw sana nag-extend pa sila.

Sabi ni Carlo, “Kasi weeks before nang kunan ‘yung last episode namin, parang wala lang. Kasi parang naging ano na sa amin e. Parang every Tuesday Daddy’s Gurl taping.

“Naka-program na sa katawan namin. So, parang hindi pa kami ready.”

Isusunod na rin agad sa Sabado ang ipapalit sa Daddy’s Gurl, ang Open 24/7 na kung saan si Maja Salvador naman ang makakasama dito ni Bossing Vic.

Producer ng VGful Concert, nagpaliwanag sa paninigaw at pananaboy ng alalay ni Vice!

Nag-react ang producer ng VGful Concert ni Vice Ganda sa Amerika na si Ms. Amor Yu ng Amor Yu Productions tungkol sa reklamo ng FilAm artist na si Garth Garcia.

Si Garth ay isa sa guests sa concert ni Vice Ganda na ginanap sa Yaamava Resort & Casino nung April 23.

Ang reklamo ni Garth, sinigawan at pinagtabuyan daw sila ng alalay ni Vice Ganda na si Ambie Burac nang sumali sila sa celebration nila sa backstage.

Kinantahan pa raw doon ng Happy birthday si Vice, at isinali raw sina Garth doon pati ang iba pang nag-guest sa naturang concert.

Pero umalis na lang daw sila dahil pinagsisigawan daw sila nitong alalay ni Vice Ganda at pinaalis doon.

Ang Hollywood correspondent na si Oliver Carnay ang nag-interview kay Amor Yu para linawin ang naturang isyu.

Ipinarating ito ni Oliver sa ka-PEP Troika kong si Jerry Olea.

Ayon sa pagkasulat ni Oliver, “Nilinaw ng producer na si Amor Yu na walang instructions sa kanila (local artists) na bumalik ng backstage para makipag-celebrate sa main artists. Pagkatapos manood ng local artists from their seats, diretso dapat sila sa lobby for Meet & Greet. Wala din daw abiso from Starmedia Entertainment (promoter ng buong tour ni Vice Ganda) na pumunta sila sa likuran (main artists holding area) kung saan bumalik sina Vice Ganda, MC & Lassy, at ang special Guest Artist ni Vice sa buong tour na si Darren Espanto, para mag-freshen up for the Meet & Greet.

“Pagkabalik sa dressing room nila Vice (which is just adjacent to the stage) pagkatapos ng show, nagkakasiyahan daw ang grupo ni Vice na inaawitan pa ng Happy Birthday ang kanyang assistant at pagkatapos ay sinabihan lamang nito ng malumanay ang mga nasa hallway na nakatanghod sa labas ng kwarto ni Vice ng “Excuse me po, magbibihis lang po si Vice para sa Meet & Greet!” Wala naman daw dahilan ang assistant para sumigaw at mag-attitude pagkatapos ng kasiyahan na iyon. In fact, may witness daw na isa sa mga front acts din na nagngangalang John Cueto ang nakarinig ng tinuran ng assistant ni Vice.

“Nilinaw ni Amor Yu na hindi Guest Artist ang title ni Garth Garcia sa concert ni Vice dahil si Darren Espanto ang ‘Special Guest Artist’ ni Vice Ganda sa buong US-Canada VGFul Concert nito.

“According to Amor Yu, the local artists (front acts) only get 10% percent from the gross ticket sales at nakabenta naman si Garth ng 10 tickets, which totaled to $2,2800.00 ($228 SVIP) minus his 10% commission. Never niya binayaran si Garth sa lahat ng mga shows na prinodyus nito na kasama si Garth at wala siyang talent fee.”

vuukle comment

EAT BULAGA

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with