^

Pang Movies

Ryle, handang gawin ang lahat para sa Pamilya

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ryle, handang gawin ang lahat para sa Pamilya
Ryle

Naitsapuwera ang dating hashtag member na si Ryle Santiago nang bumalik ang It’s Showtime sa 12 nn slot nito sa TV5.

Malaking production number ang naganap sa pagbabalik ng show pero hindi nakasama si Ryle.

Eh ang dinig namin, wala raw bud­get para sa ibang na­ging bahagi ng noontime show. At hindi lahat ng naging parte ng programa noong simula eh nakabalik din.

Eh dating Star Magic artist si Ryle. Pero hindi na ngayon at kama­kailan ay pumirma siya bilang Viva artist. Ngayong nasa Viva na siya, puwede na ba siyang lumabas ng sexy sa Vivamax movies?

“Basta sakto at kailangan sa istorya. 24 years old na naman ako,” sey ni Ryle sa guesting niya sa Marites University.

Pero sa murang edad, marami nang karanasan sa buhay si Ryle, handa niyang ibigay ang lahat sa kanyang pamilya bilang ganti sa mga ginawa sa kanya noong bata pa.

Si Ryle ang taong ayaw mabakante sa ginagawa kaya naman sa tulong ng mga kapatid eh may negosyo silang itinayo.

May isang BL series siyang ginawa pero kontrabida siya at hindi parte ng taong involved sa love story ng dalawang lalaki.

Kesa Eat Bulaga... Maine, mas priority na ang sariling show

Ultimate summer goals ang hatid ng season 3 ng #MaineGoals dahil lilibutin ni Maine Mendoza kasama sina Chichi at Chammy sa iba’t ibang adventures nila sa Boracay.

Sinuyod nila Maine ang best recos sa Boracay island na puwedeng sa rich o budgetarian.

Sumabak sa sari-saring adventures sa Bora ang Maine trops kaya magsisilbi na ring tour guide si Meng sa episode na ito ng season 3 ng #MaineGoals.

Ang bagong episode na ito ay mapapanood sa bago nitong timeslot, 8 to 9 a.m. tuwing Sabado sa TV5 simula ngayong May 6 at may extended version at 8 p.m., Monday to Friday sa BuKo Channel, Cignal TV and SatLite Channel 2.

Mas prayoridad na ni Maine ngayon ang sariling show na #MaineGoals lalo na’t wala na rin ang sitcom na Daddys’s Gurl sa GMA.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with