^

Pang Movies

Maine, babu na raw talaga sa Eat Bulaga!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maine, babu na raw talaga sa Eat Bulaga!
Maine

Totoong-totoo raw na hindi na mapapanood si Maine Mendoza sa Eat Bulaga pagkatapos nitong ikasal sa actor / politician Arjo Atayde ayon sa narinig kong kuwento.

Hindi raw toh basta isyu, may chika na rin daw tungkol sa pulitika.

Kung saang aspeto, bawal daw i-expose.

Kung sabagay rin, hindi naman na rin siguro kailangan ng trabaho ni Maine pagkakasal.

Bukod sa mayaman ang pamilya ni Arjo, may mga sariling negosyo si Maine.

Mas bagay raw ritong maging active na lang sa mga proyekto ni Arjo na kasalukuyang congressman ng first district ng QC.

Catriona, natalakan ni Sam bago nagkaroon ng diver’s license

Cerified diver na si former Miss Universe Catriona Gray.

“ Guess who’s a certified open water diver. I’m so curious to know where are your favorite diving spots?,” aniya sa post.

Noong Labor Day, May 1, lang niya inamin na gumawa ng paraan si Sam Milby na kumuha na siya ng diver’s license.

“Happy Labor long-weekend friends! hope you’re having a restful holiday wherever you are! @samuelmilby finally found a way to get me away from work for enough days after nagging me for years to get my divers license. Had my first dive in the ocean today and I’m officially half way!”

Anyway, kakatawa lang na may bashers ang kanilang relasyon.

Na kesyo ‘di raw bagay ang aktor sa kanilang queen pero dahil maligaya naman ito kaya tanggap na rin nila.

Nauna nang sinabi ni Catriona na “My food / adventure buddy for a lifetime @samuelmilby.”

Edu, hinahanapan ng resibo sa relasyon nila ni Cherry Pie

Split na ba raw sina Edu Manzano and Cherry Pie Picache?

Ito ang tanungan ng ilan ‘pag nakakasabay nila ang TV host na hindi kasama ang actress.

Sa isang party nga raw, halos hindi na pinag-usapan si Cherry Pie.

Mas pinag-usapan pa raw ang binyag ng apo nitong si Baby Peanut, first apo nila ng Star For All Seasons Vilma Santos, na katabi pa niya sa family photo nila.

Ang cute kasi nila ni Ate Vi na talagang nabuo ang kanilang pamilya nang binyagan ang kauna-unahan nilang apo kina Luis and Jessy Manzano.

At kahit sa comment section ng post ni Ate Vi ng nasabing binyagan, hinahanap si Cherry Pie.

Kahit sa social media account ni Cherry Pie ay wala raw kasing pa-lovelife update ito.

Si Edu naman ay nag-post two weeks ago pero wala raw sweetness kahit sa caption at tinawag lang na multi-awarded actress si Cherry Pie.

“Another day at the office w/ multi-awardees Director Lav Diaz, multi-awarded actress Pie Picache, heartthrob Me and the man whose passion for his subjects can make them come to life, Direk Jim Libiran.”

Though natuwa na ang PieDu followers sa nasabing post ng actor at biniro nga itong ‘ginalaw na ang baso.’

But anyway, si Cherry Pie ay nabibilisan sa pagtanda ng anak na si Nio.

Nag-birthday ito less than a week ago at nag-post ang actress ng “Happy happy 21st birthday anak @niotria? 21years…too fast God blessed us abundantly for making you the man that you are today and I only pray that He will continuously keep you in His love, guidance and protection  Thank you so much anak for everything that you are and do You make me the best inay

“I love you with all my heart and life, to the moon and back… and back again? Cheers!!!!”

So ano nga ba, sila pa kaya ng TV host / actor?

Gardo, mas hahaba pa raw ang buhay!

Pumapadyak na pala ulit si Gardo Versoza.

Pero in moderation daw ayon sa kanyang post. “everything in moderation ,, #padyakpogi #cupcakes #palibhasacupcake #takecareofyourheart” aniya habang nagba-bike.

At nagti-TikTok na ulit ang actor kung saan kilala rin siyang Cupcake.

Four days ago nang nabiktima ang actor ng fake news na pumanaw na siya.

Kaya naman nag-post siya ng joke na parang nasa casket.

Dahil dun, ang comment nga ng followers niya, hahaba pa ang buhay niya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with