^

Pang Movies

Michelle, dinugo bago operahan!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Michelle, dinugo bago operahan!
Michelle
STAR/ File

Nagkaroon pala ng heavy bleeding si Michelle Dee kaya bigla itong sumailalim sa isang operasyon noong nakaraang April 24 na siyang 28th birthday niya.

Hindi raw agad na pinaalam ni Michelle ang naging dahilan ng kanyang pagpapaospital dahil gusto nilang malaman muna ang naging problema at kapag maayos na ang kalagayan niya ay doon siya magsasalita sa nangyari. Noong maging okey na ang actress-beauty queen, isiniwalat na niya ang dahilan ng pagpapaopera niya.

“They found that my uterine lining was full of polyps na super dami raw. They had to remove it and cauterize it. Now, I’m just recovering nicely,” sey ni Michelle.

Ayon sa Mayo Clinic: “Ute­rine polyps are growths attached to the inner wall of the uterus that expand into the uterus. Uterine polyps, also known as endometrial polyps, form as a result of cells in the lining of the uterus (endometrium) overgrowing. These polyps are usually noncancerous (benign), although some can be cancerous or can turn into cancer (precancerous polyps).”

Wala naman daw naging pangamba sa kalusugan niya. Maayos naman daw ang lifestyle niya at susundin niya ang mga bilin sa kanya ng doktor. Isa raw doon ay ang magpahinga at huwag masyadong isagad ang kanyang katawan.

Ang pagiging kandidata ulit sa Miss Universe Philippines 2023 ang kanyang focus. Inamin niya na mas malaki ang pressure ngayon dahil second time na niyang sumali sa naturang pageant. Pero nananatiling cool lang daw ang beauty queen daughter ni Melanie Marquez.

Ricky, ginagamit ang mga natutunan kay direk lino

Kung ano raw ang natutunan ni Ricky Davao sa kanyang mentor noon na si Direk Lino Brocka, iyon din daw ang ipinapasa niya sa kanyang mga dinidirek na artista.

Naging direktor ni Ricky si Direk Lino sa dalawang pelikula na White Slavery (1985) at Natutulog Pa Ang Diyos (1988). Marami raw siyang nakuhang directing style ni Direk Lino, lalo raw ‘yung emotional side ng pagdidirek. “Si Direk Lino kasi, he’s such a passionate person. Kapag may mabigat na eksena, he would act out the scene for you. Pero hindi mo siya gagayahin, gusto lang niyang makita ang interpretation mo sa pinakita niyang eksena. From there, dun ka na mag-create ng sarili mong eksena. I try to do that with the actors I’m working with,” sey ni Ricky na muling dinirek si Glaiza de Castro sa bagong GMA Afternoon Prime series na The Seed Of Love.

Three years in the making ang The Seed Of Love na nasimulang gawin noong 2020 bago magkaroon ng pandemic. Naka-nine taping days na raw sila at ‘yung ibang malalaking eksena ay kinunan pa sa Benguet. Sayang naman daw ‘yung mga eksenang iyon kung hindi matatapos ang teleserye.

Jerry Springer, pumanaw sa pancreatic cancer

Pumanaw sa edad na 79 si Jerry Springer, ang beloved host ng long-running daytime talk show na The Jerry Springer Show.

Pancreatic cancer ang naging sakit ni Springer na tahimik na namaalam sa kanyang bahay sa Chicago noong nakaraang April 27.

Tumagal ng 28 seasons ang show niya na nagsimula noong 1991 at nagtapos noong 2018.

Ang naging signature sign-off ni Jerry ay: “Take care of yourself, and each other.”

Pinanganak sa London at lumaki sa Queens, New York si Jerry. Naging lawyer siya sa Cincinnati at naging advisor ni Robert F. Kennedy at the time of his assassination. Tumakbo rin siya for political office in 1970 in Ohio pero natalo siya. Sinubukan niya ulit tumakbo in 1977 at naging 56th mayor siya ng Cincinnati hanggang 1978.

vuukle comment

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with