^

Pang Movies

Neil nakabili ng farm dahil sa pagbebenta ng seafood!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Neil nakabili ng farm dahil sa pagbebenta ng seafood!
Neil Ryan Sese

Dahil sa maliit na seafood business ni Neil Ryan Sese noong magkaroon ng pan­demya, nagbunga na ito sa pagkakaroon ng isang malaking farm sa Zambales.

Ito ang naging kapalit ng sipag, tiyaga, at tiwala ng aktor sa Diyos noong simulan niya ang K&G Seafood noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Nahinto kasi ang lahat ng trabaho sa showbiz sa unang anim na buwan ng pandemya kaya naisipan ni Neil na magbenta at mag-deliver ng iba’t ibang seafoods gamit lang ang kanyang bisikleta.

“Nag-start ‘yung K&G Seafood noong pandemic so kailangan mo ng ibang pagkakakitaan so sabi ko mahilig kasi talaga ako sa seafood e so dapat kung magbi-business ka dapat ‘yung gusto mo. Akala natin ‘yung COVID parang three months lang max ang itatagal so ang akala namin ‘yung business na ‘yun siguro habang pandemic lang tapos tumagal nang two years tapos dumami ‘yung orders no’ng na-guest ako sa Eat Bulaga sa Bawal Judgmental,” sey pa niya.

Thankful si Neil sa mga kaibigan niya sa showbiz na sinuportahan ang kanyang negosyo.

Kaya hindi raw magiging success ang negosyo niya kung walang nagtiwala sa kanya, kabilang na rito sina Vic Sotto, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Camille Prats, Carlo Gonzalez, at marami pang iba.

Ngayon ay balik na sa normal ang trabaho sa showbiz at kasama si Neil sa cast ng Voltes V: Legacy.

Pero tuloy pa rin daw si Neil sa seafood business niya. “Hangga’t may nag-o-order, tinuloy ko pa rin siya kasi sayang saka maganda talaga kaya okay pala ang kita ng seafood eh. Kung hindi naman kasi nag-pandemic, ‘di ko naman maiisip na gawin itong business.”

Lindsay Lohan pa-sekreto ang gender ng baby

Nagkaroon na ng baby shower ang soon-to-be Hollywood mommy na si Lindsay Lohan.

Dumalo sa baby shower ng Mean Girls star ang kanyang pamilya at ilang mga malalapit na kaibigan.

Ilan sa friends ni Lohan ay bumiyahe pa mula sa malalayong lugar para lang maki-celebrate sa kanyang pagiging mommy.

Wala ring report kung girl o boy ba ang gender ng first baby ng aktres.

Noong March lang in-announce ni Lohan na magkakaroon na sila ng baby ng mister niyang si Bader Shammas.

Hindi naman tinukoy ni Lohan kung ilang months na siya due at “coming soon” lang ang caption niya sa photo ng isang baby onesie.

vuukle comment

NEIL RYAN SESE

SEAFOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with