^

Pang Movies

Matapos atakihin sa puso Gardo, sumasayaw na ulit!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming netizens ang natuwa sa mabilis na recovery ni Gardo Versoza mula sa kanyang operasyon after niyang maka-experience ng heart attack noong nakaraang buwan.

Sa kanyang TikTok at Instagram, balik sa pagsasayaw si Gardo at game ang mga doktor at staff ng ospital na sumabay sa dance moves ng aktor.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagpadala ng dasal para sa kanyang mabilis na paggaling. Hindi pa raw siya makakabalik sa trabaho dahil kailangan pa niyang magpa-therapy bilang parte ng kanyang rehabilitation sa pagkakaroon niya ng heart attack.

Natuwa naman ang misis niya na si Ivy Vicencio dahil pinayagang umuwi na sa kanilang bahay ang aktor at doon na magpagaling at magpa-therapy.

Roxanne, pinakita na ang second baby

Pinakilala na ni Roxanne Barcelo ang kanyang second baby ilang buwan pagkatapos niyang ipanganak ito.

Ang name ng bagong baby boy ni Roxanne ay Theodore Antonio or Theo. Pinakita niya si Theo sa kanyang recent vlog para sa bagong tour ng apartment nila sa Taiwan.

“Mga badidap! I am so excited to introduce you to our second son, Theo. Named after his great-grandfather and grandfather. My dad’s name is Antonio and his father’s name is Theodoro. So, Theodore Antonio,” sey pa ni Barcelo sa kanyang vlog.

September last year noong i-confirm ni Roxanne na buntis siya sa second child nila ng kanyang husband na si Jiggs. Boy rin ang panganay nila named Cinco.

Tinalikuran ni Roxanne ang career niya rito sa Pilipinas para magsimula ulit ng bagong buhay sa Taiwan kasama ang kanyang pamilya.

Aktibo pa rin siya sa kanyang vlog at mga ina-upload niya sa kanyang YouTube channel ay tungkol sa buhay niya ngayon sa Taiwan.

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with