^

Pang Movies

Vanessa Hudgens, effortless sa tinikling!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vanessa Hudgens, effortless sa tinikling!
Vanessa

Ang bongga naman ni High School Musical star na si Vanessa Hudgens na ngayon ay ating bagong Global Tourism Ambassador for the Philippines.

Sa video na ibinahagi ni Philippine first lady Liza Araneta-Marcos, ipinakita nito ang pagsayaw ni Vanessa ng tinikling.

Tuwang-tuwa ito habang pinapanood ang traditional Filipino performances.

Suot ang classic terno na Filipiniana, hinubad nito ang kanyang heels at sinayaw ang katutubong sayaw. Parang natural ang pagkakasayaw niya at napaka-effortless.

Nasa bansa ang actress-singer para sa travel documentary na dinidirek ng mister ni Toni Gonzaga na si direk Paul Soriano bilang global tourism ambassador.

Galing din si Vanessa sa Palawan kasama ang kanya nanay at kapatid na babae.

Tila enjoy na enjoy siya sa pamamasyal at pagtikim sa mga pagkaing Pinoy.

Hindi raw talaga niya natanggihan ang mga pagkaing Pinoy na hinanda. At ayon nga sa nanay nito ay proud Pinoy ito. Bongga.

Tubiggggg...

Talagang medyo affected yata ang water supply natin.

Mahina ang daloy ng tubig sa gripo at merong mga lugar na talagang nawawalan ng tubig.

Dahil siguro talaga sa init kaya nagkaganito at dahil din sa bihirang umulan ngayong taon.

Kailangan talaga ang disiplina para hindi tayo tuluyang mawalan ng tubig.

Kailangang ingatan natin ang source ng water supply at medyo tipid sa paggamit. Huwag basta-basta itapon ang tubig, isipin kung saan puwede itong gamitin.

Sa paglilinis ay ganundin para walang masyadong masayang na tubig.

Kaloka talaga ‘pag walang tubig. Ok na ang sandaling walang kuryente pero sana huwag naman pati tubig.

vuukle comment

VANESSA HUDGENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with