^

Pang Movies

Gardo Versoza nanakit ang likod, sumailalim sa angioplasty

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gardo Versoza nanakit ang likod, sumailalim sa angioplasty

Na-heart attack pala si Gardo Versoza.

As of presstime, nagpapagaling siya, base sa kanyang post.

“thanks for everything shugs i love you

thank you LORD thank you doctors #heartattack”

Ayon kay Tito Boy Abunda, sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng misis nitong si Ivy Vicen­cio na nanakit ang likod ng aktor, pero hindi raw agad ito nagpadala sa hospital dahil inaalala nito ang kanyang taping the following day.

Pero napilit din daw itong pa-hospital.

At doon daw nalamang may dalawang ugat sa puso ni Gardo na barado.

Kaya sumailalim ito sa angioplasty.

Maraming nagulat na nagkaroon si Gardo ng heart attack dahil ang alam ng lahat physically fit ang actor at regular itong nagba-bike.

Nag-honeymoon agad...

“Last few lazy days with soon to be Mrs. Jauncey?,” post ng fiance ni Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey.

Pero mukhang nauna na raw ang honeymoon nila dahil nga sunud-sunod ang post nilang magkasama sa mala-paraisong isla.

Vanessa Hudgens, nag-enjoy sa Palawan

Nag-courtesy call si Vanessa Hudgens kay Pres. Bongbong Marcos sa Malacañang noong Huwebes.

Nasa Pilipinas si Hudgens para mag-shoot ng travel documentary, na kukunan ang magagandang lugar sa bansa para palakasin pa ang ating tourism industry.

Siya ang bagong hirang Global Tourism ambassador ng bansa.

Nauna na siyang nagpunta sa Boracay kasama ang kanyang mommy na isang Pinay at sister na makakasama niya sa nasabing docu na idinidirek ni Paul Soriano.

Haharap ngayong araw sa local press si Vanessa.

Dating actress na si Angela Perez, pumanaw!

Ang batang namayapa ng dating aktres na si Angela Perez.

Fifty-five years old lang siya.

Ang kaibigan niyang si Melissa Mendes ang unang nakiramay : “It is with deep sorrow that my dearest friend Angela Perez has passed. I’m still processing it that she left us this early. My heart is broken...”

Kasama sa mga naging pelikula niya ang Manoy Hindi Ka Na Makakaisa, Isa Lang Ang Dapat Mabuhay, Sgt. Villapando: AWOL, and Paligayahin Mo Ako.

Jamie Rivera, may bagong papel

May kapana-panabik na papel na gagampanan si Jamie Rivera bilang head at creative consultant ng Inspire Music, ang bagong record label ng ABS-CBN Music at una nitong handog ang awiting 3 in 1 na ilulunsad na ngayong Biyernes (Marso 31).

 Isang upbeat song ang 3 in 1 na may reggae vibe at tungkol sa ligayang nararamdaman sa pagtitiwala sa Holy Trinity, o ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

“The song is perfect for anyone looking for something fun and new this summer to dance to, or even for use when people gather to celebrate and pray together,” ayon sa Inspirational Diva na siya ring sumulat ng kanta.

 Kasama rin bilang featured artists ang mga batang sina Imogen at The Voice Kids season 5 contestant Fabio Santos sa napapanahong awitin.

“Ang gagaling nung mga bata and they were able to give justice to the song. We collaborated with them so that more children will relate to 3 in 1,” ani Jamie.

Ito bale ang kauna-unahang kanta na iprinodyus sa ilalim ng Inspire Music, ang ABS-CBN Music label na tututok sa paggawa ng mga inspirational music para maghatid ng pag-asa at malasakit sa mga makikinig.

 Paliwanag ni Jamie, “Inspire Music is about inspiring people from all walks of life—to be inspired by the melody, by the lyrics, by the music.”

 Bukod sa pagtutok sa music production, gagabayan din ni Jamie ang iba’t ibang artists na nakatakdang magrekord ng musika sa ilalim ng bagong label.

 Si Jamie ang nasa likod ng iba’t ibang sumikat na inspirational at makasaysayang kanta, katulad ng Heal Our Land, Jubilee Song, Only Selfless Love,  Tell the World of His Love, at We Are All God’s Children.

Ang tanyag na mang-aawit din ang nagbigay-buhay sa official mission song na We Give Our Yes ng 500 Years of Christianity celebration sa bansa noong 2021.

Samantala, kung meron man gustong maka-collab si Jamie ‘yun ay ang P-Pop group na BINI at BGYO. “I’m looking forward to work with the new ones. Naiintriga ako roon sa BGYO and BINI. Gusto ko silang makatrabaho kasi may dance sila eh,” pag-amin ng Inspirational Diva.

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with