^

Pang Movies

KathNiel naka-12 years na, may gagawing After Forever

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
KathNiel naka-12 years na, may gagawing After Forever
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
STAR/File

Matapos ang reunion TV series ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang 2 Good 2 Be True nung isang taon, matutuloy na rin this year ang kanilang reunion movie project na After Forever, their reunion film with box office director na si Cathy Garcia-Molina after their record-breaking movie na The Hows of Us nung 2018.

Pagkatapos ng kanilang matagumpay na concert tour in Barcelona, Spain, Milan, Italy at Abu Dhabi with Joshua Garcia, Zanjoe Marudo (kung saan niya kasama ang GF na si Ria Atayde) at Eric Nicolas nito lamang mid-March, isang simple birthday get-together ng kanyang pamilya at mahal sa buhay ang ginawa ni Kathryn for her 27th birthday nung nakaraang March 26. Malamang na magplano ng iba ang magkasintahan sa ika-28th birthday naman ni Daniel sa darating na April 26. One month apart lamang ang kanilang kaarawan at isang taon ang agwat ng kanilang edad.

Tiyak na magbubunyi ang KathNiel fans dahil ang much-awaited reunion movie ng magkasintahan na nung early 2020 pa inannounce ay matutuloy na this year.

Bukod sa reunion movie nila, meron din silang magkahiwalay na projects na gagawin sa taong ito.

Aside from After Forever nila ni Daniel, nakatakdang gawin ng Kapamilya star and entrepreneur ang dark comedy movie na A Very Good Girl at ang historical films na Elena 1944.  May hiwalay ring proyekto si Daniel na gagawin.

The couple will be celebrating their 12th anniversary as a couple this year.

Working boys..., walang hubaran

Natutuwa ang bumubuo ng cast ng comedy movie na Working Boys 2 na sina Wilbert Ross, Mikoy Morales, Andrew Muhlach, Vitto Marquez at Nikko Natividad na dinirek ni Paolo O’Hara under Viva Films dahil nakatikim din sila ng pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula sa raw na ito ng Miyerkules, March 29, na hindi nila kailangang mag-bare o magpakita ng skin.

Sina Wilbert, Nikko at Vitto ay pare-parehong naging miyembro ng now-defunct all-male dance group na Hashtags ng noontime show na It’s Showtime kaya parang reunion project sa kanila ang Working Boys2. Ang tatlo ay nasa pangangalaga na rin ng Viva Artists Agency kaya naging posible ang pagsasama ng tatlo.

Masuwerte si Nikko dahil kahit siya ang pinakabago sa tatlo sa bakuran ng Viva, sunud-sunod kaagad ang kanyang proyekto at kasama na rito ang weekly sitcom na Kurdapya sa TV5 kung saan niya mga kabituin sina Yassi Pressman, Marco Gumabao at Ryza Cenon mula sa pamamahala ni Easy Ferrer.

Ang Working Boys2 ay nagkaroon ng matagumpay na red carpet premiere night na ginanap sa Cinema 2 ng SM Megamall last Monday evening, March 27.

Isabelle at Adrien, naka-babae na!

Masayang-masaya ang mag-asawang Isabelle Daza and her French businessman husband na si Adrien Semblat dahil baby girl ang isinilang nito nung nakaraang March 23, 2023 in Hong Kong kung saan ngayon naka-base ang mag-asawa and their kids.

Ngayong April 1 ay magpa-five years old ang kanilang panganay na si Baltie at sa April 9 naman two years old ang kanilang second son na si Valentin at mukhang Paula Cole ang pangalan ng kanilang third and only girl.

Dahil na-assign sa Hong Kong ang husband ni Isabelle na si Adrien kaya sila nag-relocate doon.

Si isabelle ay anak ng kauna-unahang Filipina Miss Universe (1969) turned actress na si Gloria Diaz.

Pbb orig hosts, ‘di pa sira ang friendship

Hindi ikinakaila ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez na kahit siya na lamang ang natitira sa kanilang tatlo niyang mga kaibigan na sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez sa Kapamilya network, tuluy-tuloy ang kanilang pagkakaibigan hanggang ngayon at meron umano silang binuong group chat para updated sila sa mga kaganapan ng bawat isa sa kanila.

Si Bianca ang co-host ni Robi Domingo sa tumatakbong bagong season ng The Voice Kids – Philippines with Martin Nievera, Bamboo and KZ Tandingan ang coaches-judges. Habang sina Toni at Mariel ay parehong nasa bakuran na ng ALLTV ng mga Villar.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHNIEL

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with