^

Pang Movies

Seth, namili ng paputok para sa prom

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Dumayo sa Bocaue, Bulacan para sa fireworks, bumili ng bulaklak sa Dangwa at nanghiram ng drone ang Star Magic young actor na si Seth Fedelin para gamitin sa kanyang prom-proposal sa ka-loveam na si Francine Diaz.

Eh hindi naman nabigo si Seth upang pumayag si Fancine sa Star Magic event nila sa katapusan ng buwan.

“Buti pumayag! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Seth sa launching niya bilang bagong ambassador ng BNY clothing!

Kaliga na ni Seth ang kuya Joshua Garcia niya bilang endorser ng BNY. Eh gusto pa naman niya ng comfy outfits na ginagamit sa araw-araw kaya naman proud siyang maging ambassador ng brand.

“Dati, binibibili lang namin ng mama ko ito. Ngayon, model na ako! ‘Ma, sikat na ako!’ Ha! ha! Ha!” saad pa ng young actor.

Magkasama sina Seth at Francine sa series na Dirty Linen and soon, sa bago nilang series na Fractured.

Baka naman ma-develop ang feelings niya kay Francine, huh!

“Hindi naman po maiiawasan. Eh lagi kayong magkasama sa trabaho. Wala naman problema sa akin basta okay rin sa kanya,” sey pa ni Seth.

Ang sense of humor at pagiging masayahin ang nagustuhan niya ay Francine kaya naman kahit may tutol at bashers sa kanilang loveteam, “Wala naman silang magagawa. Masaya ako kasama si Francine!” diin ni Seth.

Voltes..., unang eere sa mga sinehan

Unang mapapanood sa SM Cinemas ang first two episodes ng GMA series na Voltes V: Legacy bago sa telebisyon.

Eh nataranta ang viewers nang ilabas na ng Kapuso ang full trailer nito last Friday sa 24 Oras.

Of course, mas marami silang aabangan sa TV once na umere na ito. Basta abangan ang tickets ng Voltes V: Legacy na sa April 19 at kahapon, March 25, naging available ang cinema tickets para sa SM cinemas!

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with