^

Pang Movies

Kylie at Sanya, may mensahe sa kababaihan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang bongga naman nina Kylie Padilla at Sanya Lopez. Nagpakita sila ng suporta sa kapwa kababaihan ngayong National Women’s Month.

Mensahe ng dalawa sa mga bida ng bagong hit action drama series na Mga Lihim ni Urduja, “Kahit madapa, tuloy lang ang laban!”

Gustung-gusto nga raw ng anak ni Robin Padilla ang istorya ng bagong serye nila dahil tungkol ito sa women’s empowerment. 

Nagbigay rin ng mensahe si Sanya para sa lahat, “Sa lahat po ng mga kababaihan, maraming, mara­ming salamat po sa pa suporta niyo sa amin at gaya ng pagsuporta niyo sa amin, sana suportahan natin ang bawat kababaihan.”

Tama ang payo nila sa kababaihan na manatiling matatag at harapin ang lahat ng hamon sa buhay. Hindi rin dapat hayaan ang iba na diktahan ang ating buhay dahil mas importante ay kung ano ang gusto mo, hindi ang gusto nila.

At sino pa nga ba ang magsusuportahan kundi tayo-tayo ring mga kapwa babae. Bongga.

 

 

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with