^

Pang Movies

Seth, nag-effort bago napa-yes si Francine!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Seth, nag-effort bago napa-yes si Francine!
Seth at Francine

Alam mo, Salve A., isa kami sa naniniwala na may espesyal nang relasyon sa pagitan ng dalawang Kapamilya young stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin at ito’y kung ang pagbabasehan ang pagiging extra sweet ng dalawa sa isa’t isa off-cam.

Although nagkatrabaho na sa naunang dalawang serye sina Francine at Seth sa Kadenang Ginto at Huwag Mangamba, hindi silang dalawa ang magka-partner kundi iba pa ang kanilang kapareha noon.

Si Andrea del Rosario kay Seth habang si Kyle Echarri naman kay Francine. Pero sadya yatang silang dalawa ang nakatadhana na maging bagong magka-loveteam nang mag-iba ng landas ang young singer-actor na si Kyle at at nagkahiwalay naman ang dating magka-loveteam at magkasintahang Andrea at Seth.

Everybody knows na si Andrea ay may bago nang kasintahan, ang young cager-actor na si Ricci Rivero habang parehong unattached naman sina Francine at Seth. Dito ngayon naisip ng Star Magic at ABS-CBN na pagtambalin ang dalawa na kinagat naman ng kanilang mga tagahanga.

Sina Francine at Seth ay dalawa sa mga tampok na bituin sa tinututukang primetime hit series na Dirty Linen at hindi malayong muling pagtambalin ang dalawa sa pelikula maging sa hiwalay na serye na silang dalawa ang mga pangunahing bituin.

Sa darating na March 30 ay Star Magical Prom Night ng ABS-CBN na tatampukan ng young talents ng Star Magic. Since gusto ni Seth na si Francine ang kanyang makapareha, gumawa ito ng paraan na silang dalawa ang magkasama.

In fairness sa ex-PBB teen-housemate, talagang nag-effort siya na sorpresahin ang kanyang kapareha na ito’y mapapayag na maging prom date niya.

Nagpaalam si Seth sa mommy ni Francine, ma­ging sa handler nito at sa Star Magic na rin mismo sa kanyang plano for a ‘prom date proposal.’

Inimbitahan ng young actor si Francine na mag-dinner sila sa kanilang lugar sa Dasmariñas, Cavite kasama ang pamilya ni Seth. Alam nitong family day rin ni Francine ang Sunday pero nagbakasakali na rin siya. Nag-effort siyang pumunta ng Bulacan para bumili ng fireworks, sa Dangwa kung saan naman niya binili ang mga bulaklak na ginamit niyang dekorasyon sa lugar kung saan niya isinagawa ang kanyang prom date proposal.

Matatagpuan ang isang huge heart-shaped design na napapalibutan ng battery-operated candles, while canopy surrounded with flowers at may naka-set up na table na dinner to two, balloons, candles and flowers ang nakasulat at nakapalibot sa letrang ‘Will you be my prom date?’

Sa tulong ng mga kaibigan ni Seth ay nabuo niya ang kanyang romantic prom date proposal kay Francine na ginawa niya sa loob ng halos isang linggo.

Sinabi ng young actor na ginawa niyang espesyal ang ginawa niyang prom date proposal dahil espesyal umano sa kanya ang Kapamilya teen star.

Mabuti naman at hindi nasayang ang efforts ni Seth dahil napa-oo niya si Francine kaya silang dalawa ang opisyal na magka-date sa March 30.

Animo’y marriage proposal ang ginawa ni Seth na nagbiro pa ng “Actually marriage proposal po dapat ‘yan na pinalitan lang ng letra,” natatawa niyang pahayag.

Hindi rin ikinakaila ng young star na kinilig umano siya maging ang mga taong naka-witness sa pagiging creative at romantic ng young actcor.

For sure, mag-e-effort din si Seth kapag nag-propose siya sa dalaga na maging kasintahan niya (kung hindi pa sila?)

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with