^

Pang Movies

Bagong bahay ni Chavit Singson, nagiging tulugan ng mga sikat na Korean star

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bagong bahay ni Chavit Singson, nagiging tulugan ng mga sikat na Korean star

Hindi namin makakalimutan ang aming recent trip sa Vigan at Narvacan, Ilocos Sur with businessman and former politician Luis ‘Chavit’ Singson.

Lumipad kami patungong Laoag City in Ilocos Norte sakay ng paboritong Gulf Stream Jet ng dating gobernador ng Vigan na siya rin niyang dinadala sa kanyang special travels abroad.

Former Gov. Chavit built his new mansion, Sulvec Greece in his 7-hectare properly in Sulvec, Narvacan, another town ng Ilocos Sur kung saan siya umupo bilang konsehal at mayor.

Ito ay bagong proyekto ng dating pulitiko na tinapos niya ng pitong buwan gamit ang 300 construction workers.

Although meron siyang Golden Tower sa Baluarte kung saan siya dati nakatira, nag-switch siya sa Sulvec Greece kung saan ang main house ay may limang bedrooms all powered ng Alexa. Ito’y labas pa sa magkakaibang villas for the guests at villas para sa security, pilot at stewardesses.

Nagpatayo rin siya ng chapel kung saan umano niya balak magpakasal.

Ang nasabing mansion ay meron ding sariling helipad, swimming pool, entertainment area and garden facing the sea and beautiful sunset.

Ipinakita pa sa amin ni Gob (Chavit) ang isang guest room sa main house kung saan natulog ang sikat na Korean actor na si Lee Seung-gi. Bago ito ay nakarating na ng Baluarte ang K-Pop groups na Momoland at Lapillus na ang kilalang businessman at dating politician din ang nagdala.

Unknown to many, maraming kaibigang entertainment agencies si Gob sa South Korea at meron na rin umano siyang business partner doon na siyang nagti-train ng mga K-Pop at P-Pop groups and members sa nasabing bansa. Ito’y labas pa sa kanyang manufacturing business in South Korea ng steels at fibers.

Nakarating din sa Baluarte ang lahat ng mga kandidata ng 2017 Miss Universe na siya mismo ang nag-mount sa Pilipinas.

Kahit 81 na ang kilalang negosyante, hands-on pa rin ito sa pagtutok sa kanyang napakaraming negosyo pero tini-train na rin niya ang kanyang mga anak sa iba niyang mga negosyo tulad ni Trish Singson na siya namamahala ngayon ng Safari Hotel sa loob mismo ng Baluarte.

Nang makita namin si Trish ay agad namin itong tinanong kung balak niyang mag-artista pero agad kaming sinagot na ayaw umano ng kanyang ama. Pero payag itong gumawa ng mga product endorsement or maging celebrity endorser or commercial model. Katunayan, she’s signing up this Tuesday, March 21, with Beautederm bilang isa sa mga celebrity endorsers ng popular skin and beauty line owned by Rei Anicoche-Tan na isa ring Ilokana.

Si Trish ay nagtapos ng Hotel & Restaurant Administration sa Enderun Colleges (Philippines) but had her actual training in Florida, USA. Instead of working abroad, pinauwi siya ng kanyang ama para pangasiwaan ang kanilang hotel business.

Samantala, napag-alaman namin na hindi nagpabayad si Gob kina Coco Martin nang mag-taping sila last year sa loob ng tatlong buwan sa loob ng Baluarte in Vigan, Ilocos Sur.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with