^

Pang Movies

Mahusay na aktres, walang loyalty sa ini-endorse na beauty clinic

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pasaway rin palang endorser ng isang beauty clinic ang mahusay na aktres.

Isa ang magaling na aktres sa nag-eendorso ng sikat na clinic. Masipag naman niyang ginagam­panan ang kanyang responsilididad bilang endorser.

‘Yun nga, sumusubok pa rin siya ng ibang clinic upang alamin kung mas swak ang services nito sa kanyang mukha, katawan at kutis.

Nahuli kasi ng isang taga-showbiz ang aktres sa ibang aesthetic clinic na nagpapa-treat din. Pero tagung-tago siya sa isang lugar sa clinic upang hindi maispatan ng mga tao, huh!

Alfred, Starstruck pa rin

Nananatili pa ring starstruck ang actor-turned politician na si Alfred Vargas sa kasama niya sa ginagawang movie na Pieta.

Imagine, kasama ni Alfred ang titans ng local cinema sa isang movie na sina Nora Aunor, Gina Alajar at Jaclyn Jose, huh!

“Minsan, pinipisil ko pa ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala na totoo pala ito!

“It’s a dream come true na makagawa ng project with the three of the titans of Philippine cinema,” pahayag ni Konsehal Alfred nang aming makausap.

Pasabog ang mga eksena ni Alfred sa tatlo.

“Sinasabi ko sa sarili ko na sana, makasama ko sila in separate projects, silang tatlo. Pero ngayon, mas nagkatotoo pa with the help of direk Adolf Alix. We were able to put together three of the titans of Philippine cinema,” saad pa ng QC konsehal.

Samantala, napapanood din si Alfred sa GMA Afternoon series na AraBella na mula rin sa direksyon ni Alix.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with