^

Pang Movies

Andrea, handa sa bagong chapter ng buhay!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Andrea, handa sa bagong chapter ng buhay!
Andrea Brillantes
STAR/File

Goodbye na sa pagiging teenager ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes (Anndrew Blythe Daguio Gorostiza) after she turned 20 on her recent birthday nung nakaraang linggo, March 12.

“Kissing sweet nineteen goodbye

“On to the next chapter #20,” sabi ni Andrea sa kanyang sexy pictorial na naka-upload sa kanyang social media accounts.

It was last year nang official niyang maging kasintahan ang cager-actor na si Ricci Rivero.

Suklay Diva na si Katrina Velarde

MAY BAGONG AFAM Pagkaraang maging biyuda at age 26, ang tinaguriang Suklay Diva na si Katrina Velarde ay muling nakatagpo ng bagong mamahalin na isa ring banyaga.

Katrina was more than double her late husband’s age, ang American seasoned musician and record producer na si Mike Shapiro na sumakabilang-buhay at age 57 nung November 14, 2021. Pagkaraan ng mahigit isang taon ay muling tumibok ang puso ng singer-actress.

Isang good-looking foreigner (na mukhang Amerikano) ang bagong kasintahan ni Katrina na kung hindi kami nagkakamali ay isang pilot captain.

Narito ang IG message ni Katrina:

“Hi captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and I was NOT prepared for your arrival. But here you are with me right now.

“Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag-aalinlangan at punung-puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat…I THANK GOD THT HE ALLOWS ME TO FALL IN LOVE AGAIN.

“It’s not afam is life, it’s your love that is life…”

Pitong taong gulang pa lamang noon si Katrina nang magsimula siyang sumali sa iba’t ibang singing competition at kabilang na rito ang Little Big Star  hosted by pop superstar Sarah Geronimo at kung saan niya nakapanabayan sina Charice Pempengco at Sam Concepcion. Naging contestant din siya ng  Talentadong Pinoy ng TV5.

Naging viral ang kanyang video kung saan kinakanta niya ang Dangerously In Love in Beyonce na hawak-hawak niya ang isang plastic na suklay na kanyang mikropono. Magmula noon ay tinawag na siyang Suklay Diva.

Si Katrina ay ipinanganak at lumaki sa Tondo kung saan siya nagtinda ng Sampaguita lei para matulungan ang kanyang ina na siyang gumagawa nito at makatulong na rin sa panggastos ng kanyang pamilya na nagmula sa mahirap.

Dahil dito ay inako na ng singer-actress ang pagiging bread-winner ng kanyang pamilya.

She also provided her family a house of their own.

G Kapamilya Stars, matagalnag-bonding

Tagumpay ang first two shows ng G! Kapamilya Concert Tour sa Barcelona Spain at Milan, Italy na tinampukan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama ang dalawa sa kanilang mga barkada na sina Zanjoe Marudo at Joshua Garcia ganundin ang singer-comedian-host na si Eric Nicolas.

Nagsimula ang first leg ng concert tour last Saturday, March 11 sa Barcelona, Spain na sinundan kinabukasan in Milan, Italy. Sa darating na Sabado, March 18, darayo naman ang tropa sa Abu Dhabi na gaganapin sa National Theatre.

Masayang-masaya sina Kathryn, Daniel, Joshua at Zanjoe dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan na dumayo pa galing sa iba’t ibang bahagi ng Europe tulad ng Netherlands, Germany, Norway, Luxembourg, France at iba pa.

Dahil sa kanilang almost two-week tour, lalong nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-bonding bilang magkakaibigan.

The last time na magkakasama ang tropa with Robi Romingo and other friends ay nangyari sa Tokyo, Japan late late year kung saan nangyari ang proposal ng ex-PBB housemate-turned host sa kanyang fiancée na si Maiqui Pineda.

Isabelle, ‘di pa nilalantad ang gender ng third baby

Ipinagbubuntis ngayon ng host-actress na si Isabelle Daza ang kanilang magiging pangatlong anak ng French businessman-husband niyang si Adrien Semblat.

Ang mag-asawa ay meron nang dalawang anak na parehong lalake – sina Balthazar Gabriel at Valentin pero hindi pa nila ibinabahagi ang gender ng kanilang pangatlong baby at magiging third apo ng kauna-unahang Filipina Miss Universe (1969) na si Gloria Diaz.

Hindi na inabutan ng yumaong ama ni Isabelle na si Gabriel `Bong’ Daza ang kanyang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga apo sa kanya.

Nang ikasal si Isabelle nung September 10, 2016 sa Tuscany, Italy, ang best friend ng kanyang late father na si Pangulong Ferdinand `Bong-Bong’ Marcos, Jr. ang naghatid sa kanya sa altar.

vuukle comment

ACTRESS

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with