^

Pang Movies

Dating aktres ‘di pwedeng bumalik ng ‘pinas...Beth Tamayo at nanay,nagkita pagkatapos ng 14 taon!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dating aktres �di pwedeng bumalik ng �pinas...Beth Tamayo at nanay,nagkita pagkatapos ng 14 taon!
Zeny at Beth Tamayo
STAR/File

Naging madamdamin ang muling pagkikita ng mag-inang Zeny Tamayo at Beth Tamayo sa Tokyo, Japan kung saan nag-participate ang San Francisco-based actress sa 2023 Tokyo Marathon.

Labing-apat na taong hindi nagkita sina Mommy Zeny at bunso niyang anak na si Beth magmula nang magtungo ng Amerika ang huli after her separation from her ex-husband, ang Chinese-American na si Johnny Wong in 2009.

Magmula nang magtungo ng Amerika ang actress ay hindi pa ito nakakauwi ng Pilipinas for some legal issues na may kinalaman sa kanyang dating mister.

Beth is now happily married sa kanyang second American husband na si Adam Hunchinson at meron na rin isang isang anak na si Slonne Isabelle na first time nakita at nakilala ng kanyang mommy sa kanilang recent trip to Japan.

Magkikita rin sa Tokyo ang mag-ninang na Beth at Aila Marie Amoyo Reyes-Cristobal ngayong Sabado, March 11 na matagal ding hindi nagkita.

Tuwang-tuwa si Mommy Zeny nang muling makita at mayakap ang kanyang bunsong anak gayundin ang kanyang unang apo sa aktres maging ang mister nito ngayon na si Adam.

Walang mapagsidlan ang kaligayahan ng mag-ina at sinulit nila ang matagal na panahong hindi sila nagkita at nagkasama physically.

Since birth ay kasa-kasama na ni Mommy Zeny ang kanyang bunso hanggang ito’y mag-artista at mag-asawa.

Hindi rin maipaliwanag ng mag-ina ang kaligayahan na kanilang naramdaman sa kanilang muling pagkikita kaya ito’y kanilang sinulit bago bumalik ng Pilipinas si Mommy Zeny at si Beth kasama ang kanyang present husband and daughter sa San Francisco, California, USA kung saan sila naka-base.

Umaasa rin si Beth na makakasunod sa kanila sa Amerika si Mommy Zeny na naka-petition na.

Samantala, binisita ang puntod ni Francis M. ng kanyang misis na si Pia Arroyo-Magalona at apat sa kanilang mga anak na sina Saab, Elmo, Arkin at Clara kasama ang dalawang apo kay Saab na sina Pancho at Vito.

Hindi na inabutan ng King of Rap ang kanyang dalawang apo kay Saab maging ang pag-aasawa ng kanyang panganay na si Maxene kay Rob Mananquil na nauwi rin sa hiwalayan.

vuukle comment

BETH TAMAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with