^

Pang Movies

Young Actress, nasita sa Vaccination Card

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Mahigpit pa rin ang isang TV station sa pagpapasok ng mga guest sa Studio nila, kahit sa artista dahil required silang ipakita sa guard sa entrance ang kanilang covid 19 vaccine card.

Eh nang mapasyal sa network ang isang junior actress para maging guest sa isang show, hinanapan siya ng vaccination card.

Laking gulat ng junior actress na hindi pala mua nadala ang card niya! Nagmakaawa siyang papasukin ng guard pero mahigpit ang guard sa takot na matanggal sa work.

Hanggang sa naabutan ng isang exec ng network si JA sa guard at inalam ang problema. Nagsabi ang aktres na nalimutan sa bahay ang card niya.

Kinausap ng exec ang guard, kinunan ng picture ang aktres at saka pinapasok na rin!

Kahit maluwag na ngayon, dalhin pa rin natin ang ating vaccination card in case like this!

Anjo, ‘di sisiputin ang kasalni Jomari!

“ITS sad! It’s unfortunate!” ‘Yan ang naging pahayag ni Anjo Yllana sa kontrobersya ngayon kaugnay ng kinabilangang noontime show na Eat Bulaga.

Nasa mediation ng coming TV 5 sitcom na The A Team si Anjo bilang Father ni ng Bida na si Jerald Napoles at biyenan ni Kim Molina.

“Si Romy Jalosjos ang President ng TAPE. Eh wala tayo magagawa kung ang anak ang mag-take over!

“Palagay ko naman maayos naman yan! “ sabi pa ni Anjo.

Co production ng TV 5 at Viva ang Team A. Eh wala ba siyang balak lumabas sa Vivamax gaya ni Joko Diaz?

“ May offer na. Trabaho naman ‘yun pero sabi ko, ayusin ko muna katawan ko.

“Trabaho naman kailangan ko! “ rason niya.

Eh pupunta ba siya sa kasal mg Kapatid na si Jomari Yllana?

“Usap muna kami. Ako panganay. Respeto lang para magkausap kami, “ sagot ni Anjo.

Hanggang ngayon, may samaan pa rin ng loob sina Anjo at Jomari.

vuukle comment

TV STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with