^

Pang Movies

Pamanhikan ni Jomari, ‘di sinipot ng kanyang pamilya

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Pamanhikan ni Jomari, �di sinipot ng kanyang pamilya
Jomari

Engaged na ang actor-politician and car racer na si Jomari Yllana sa kanyang nakabalikang first love at ex-girlfriend na si Abby Viduya (dating Priscilla Almeda) at ito’y nangyari nung nakaraang Feb. 24, 2023 sa bahay mismo ng adoptive sister ni Abby na si Mato Viduya-Avancena in Parañaque City. Present din ang adoptive mother ng aktres na si Gng. Isabel Razon-Viduya at iba pa nitong mga anak gayundin ang ina ni Jomari na si Vicky Garchitorena-Yllana at kapatid ng actor na si Ryan Yllana and his wife.

Jomari took advantage sa pagdating sa Pilipinas ng adoptive mother ni Abby at ng kanyang adoptive siblings pero wala roon ang ibang mga kapatid ni Jomari maging ang biological parents ni Abby. Naroon din ang binatang anak ni Jomari sa kanyang ex-wife na si Aiko Melendez na si Andre gayundin ang manager ng comebacking actress na si Nestor Cuartero.

Hiniling ni Mrs. Viduya sa engaged couple na makipagkita sila sa biological father ni Abby na si Rudolf Rivera, dating FM disc jockey habang ang biological mother ng aktres ay nasa Canada.

Jomari and Abby were only 15 years old nang una silang ma-inlove sa isa’t isa nang sila’y magsama sa Guwapings movie noon ng Regal kung saan tampok ding mga bituin sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Although nagpakita ng interes ang tatlong guwapings kay Abby, kay Jomari nahulog ang kanyang loob kaya official silang naging mag-boyfriend/girlfriend nang sila’y magtungo ng Hong Kong kasama ang Guwa­pings cast, ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde, ang talent manager ng Guwapings na si Douglas Quijano maging si Ben Chan ng Bench at iba pa.

Palibhasa’y mga bata pa at pareho pang immature, they slowly drifted apart.  Nag-asawa si Jomari sa aktres na si Aiko at nagkaroon sila ng isang anak, si Andre na pinasok na rin ang larangan ng pag-aartista. Pero tulad ng ibang showbiz couples, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Jomari at Aiko hanggang magkaroon sila ng iba’t ibang karelasyon.

Si Jomari ay na-link noon kina Ara Mina at Pops Fernandez bago ang non-showbiz na si Joy Reyes kung kanino siya nagkaroon ng dalawang anak na parehong lalaki. 

Si Abby naman ay nagkaroon ng ibang karelasyon. Nagkaroon ng isang anak sa isang ex-boyfriend at dalawa naman ang kanyang anak sa huli niyang naka-relasyon sa Canada.

May tig-tatlong anak sina Jomari at Abby sa kanilang previous relationships.

Sa kanilang pag-iisang dibdib na maaaring mangyari sa Canada, gusto ni Jomari na present ang kanilang respective kids ni Abby.

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with