^

Pang Movies

AJ, pwedeng kasuhan?  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
AJ, pwedeng kasuhan?           
AJ

Para mailigtas ang sarili sa mga nagsasabing siya ay isang kabit at home wrecker, inilabas diumano ni AJ Raval ang isang screen shot ng kanilang private conversation ni Kylie Padilla.

Nabanggit lang namin iyan nang masabi rin ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang Fast Talk, at kinonsulta pa niya ang isang abugado, si Atty. Lorna Kapunan yata, kung wala bang legal implications ang ginawang iyon ni AJ.

Maliwanag ang sagot ng abugado, kung ilalabas mo ang isang private conversation nang walang pahintulot ang iyong kausap, maaari kang mademanda. Iyan ang sinasabi namin eh, kahit na sa mga interview, basta nagsabi ang artista ng off the record at inilabas mo, kahit na totoong sinabi niya iyan may pananagutan ka pa rin sa ilalim ng batas.

Kahit na totoong nag-usap kayo, kung wala siyang pahintulot na ilabas mo, at sa ginawa mo ay naisip niyang nasira ang kanyang image o interest maaari kang mademanda.

Actually, hindi na kailangang sabihin pa iyan ng isang abugado. Iyong pagkakalat ng pakikipag-usap mo sa isang tao nang wala niyang pahintulot ay labag sa kagandahang asal. Iyan ay isang simpleng leksiyon lamang sa etiquette. Pribado iyon eh, maliban na lang kung sabihin niyang “sige ipagsabi mo iyan”, o kaya ay “ok lang kahit sabihin mo”.

 Iyong pagsasawalang kibo ng kausap mo ay maaaring isipin, sa ingles “may be presumed”, na pagbibigay ng pahintulot pero hindi ka pa rin sigurado. Puwede ka pa ring balikan, maliban kung mapapatunayan mong ang paglalabas mo ng usapan ninyo ay may “expressed permission” na ilabas mo rin sa iba.

Liza, maraming hanash

Nagulat kami sa aming nakita ha, si Lisa Soberano mismo ang nagsasalita sa isang video na siya rin ang naglabas sa kanyang social media account, na hindi pala siya masaya sa kanyang career bilang artista kahit na sumikat siya at kumita nang malaki dahil doon.

Ni minsan daw kasi, hindi man lang siya nakonsulta kung ano ang gusto niyang gawin. Nakagawa siya ng maraming pelikula at teleserye  na halos lahat daw ay love story ang tema, at iisa ang kanyang leading man.

 Hindi rin pala siya happy na si Enrique Gil ang lagi niyang leading man. Hindi siya happy sa ginawang management sa kanyang career ng dati niyang manager. At sabi niya ngayon lang daw siya naging happy sa takbo ng kanyang career dahil ang lahat ng ginagawa niya ay alam niya.

Hindi namin inaasahang maririnig ang ganyang statement mula kay Lisa Soberano. Kung sa bagay hindi lang naman siya ang ganyan. May isang female star din ang narinig naming nagsabi “I am sick and tired of the image you made for me dahil hindi ako iyon.”  Hindi niya naisip na kung inilabas ang “tunay na siya” hindi sana siya sumikat.  Huwag naman sanang mangyari ang ganyan kay Lisa.

Hindi ko masasabing napakagaling na manager si Ogie Diaz, pero isang katotohanan na sumikat si Lisa Soberano. Hindi masasabing napakagaling ng ABS-CBN, pero nakilala siya ng mga tao.

Hindi rin masasabing napakabuting leading man ni Enrique Gil, pero hindi iyon kumibo nang basta na lang siya iniwan ng ka-love team, nanoong nagpapagamot siya sa US ay sinamahan at binantay-batayan niya.

Aywan kung ano pa ang kasunod na gagawin ni liza.

Overrated musical movie, walang nanood

Natawa kami sa isang kumakalat na survey sa social media.

Lumalabas sa kanilang survey na ang pelikulang makakakuha ng pinaka malakas na support ay iyong isang over rated musical. Kung totoo ang kanilang survey, bakit isinauli ang bayad namin sa isang sinehan dahil hindi natuloy ang showing dahil isa lang daw kaming nagbayad para manood.

Kung hindi namin naranasan ang masaulian ng pera, baka maniwala pa kami sa kanilang survey, kaso hindi nga natuloy ang screening eh, at isinauli ang pera namin.

vuukle comment

AJ RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with