^

Pang Movies

AJ, naging nega sa pangangatuwiran  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
AJ, naging nega sa pangangatuwiran           
AJ

Umalma si AJ Raval sa akusasyon ng bashers na siya ay isang “kabit” at “homewrec­ker.” Bagama’t hindi ikinaila ni AJ, dahil kapwa naman nila inamin ni Aljur Abrenica ang kanilang relasyon noon pang Valentine’s day, sinabi niyang hindi siya kabit at homewrecker dahil hiwalay na si Aljur sa asawang si Kylie noong pumasok siya. Idinagdag pa niyang sinabi naman ni Kylie Padilla na ok lang sa kanya ang relasyon ni AJ sa asawa.

Ilang panahon na rin namang hiwalay sina Kylie at Aljur bago nabalita iyon, na hindi naman ang dalawa ang naglabas kundi si Robin Padilla. Tapos ilang panahon pa rin naman ang lumipas noong makita ang mga video nina Aljur at AJ na namamasyal sa malls, at ang picture ni Aljur na nasa bahay nina AJ sa Pampanga. Lumipas din panahon bago sinabi ng nanay ni AJ na payag siya sa relasyon dahil pinanindigan ni Aljur na talagang hiwalay na siya sa asawa.

Legally, hindi pa naman annulled ang kasal nina Aljur at Kylie, pero hindi mo rin masasabing kabit si AJ, dahil wala namang katunayan na nagsasama sila. Oo, magsyota pero hanggang doon lang, maliban kung mapatunayan nga ng mga nagtsismis na kaya nawala si AJ noon ay hindi dahil sa COVID kundi nagbuntis at nanganak.

Pero ang masasabi lang namin kay AJ, dapat tahimik na lang siya sa mga ganyang comments ng fans, kasi lalong nagiging negative ang dating niya.

Hindi naman kasi niya maikakaila na mas sikat si Kylie kaysa sa kanya. Mas marami itong fans kaysa sa kanya, at mas maraming kakampi kay Kylie tama man o mali ang sabihin niya.

KC at Gabby, bumabawi sa isa’t isa

Nag-post na naman si KC Concepcion ng picture nilang dalawa ng kanyang amang si Gabby. Nasa resthouse na naman pala ni Gabby sa Batangas si KC. Talaga namang basta nasa Pilipinas si KC, hindi maaaring hindi sila magkita ni Gabby dito man sa Maynila o kahit na nasa Batangas pa iyon.

Ganoon sila ka-close. Siguro nga “making up for lost time” din dahil noong araw naman, hindi sila halos nagkakasama.

Malapit si KC sa tatay niya, at makikita rin naman natin na parang mas maganda ang kanyang relasyon sa kanyang mga kapatid sa ama. Bagama’t masasabi nating hindi rin naman perfect ang naging relasyon ni Gabby sa nanay ng kanyang mga anak, napagtagumpayan pa rin niyang mapa­natiling close ang mga iyon sa isa’t isa iba-iba man ang kanilang nanay.

Kaya hindi rin naman malayong matupad ang wish ni Gabby na pagdating ng araw ay makasama niya ang lahat ng kanyang mga anak sa isang compound, hindi man sa iisang bahay dahil siyempre magkakaroon na rin ng pamilya ang mga iyon.

Maliban sa kanyang anak kay Jenny Syquia na si Cloie, na ang ginagamit na apelyido ay Skarne dahil legal na siyang in-adopt ng naging asawa ng ermat niya, lahat naman ng mga anak ni Gabby nakasunod pa rin sa pangalan niyang Concepcion.

Pelikulang tagalog na palabas sa sinehan, ‘di natuloy ang showing dahil isa lang ang nagbayad

Nakakalungkot. Manonood sana ako ng isang pelikulang Pilipino noong isang araw. Alam ko namang nilalangaw sa takilya kaya kahit na makakapasok ako nang libre, hindi ko ginamit ang pribilehiyo at nagbayad ako. Parang limos mo na lang doon sa pelikula.

Pero noong magbalik kami sa sinehan, pinabalik kami sa takilya at ang sabi sa amin, “isasauli pa namin ang pera ninyo. Iisa lang kayong naglimos eh kaya hindi na itutuloy ang screening.” Kailangan kasi at least may tatlong manood para matuloy ang screening ng isang pelikula. Hindi sila payag doon sa exclusive screening na isa lang ang manonood.

vuukle comment

AJ RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with