^

Pang Movies

Carla, wasak noong 2022

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Aminado si Carla Abellana na ‘wasak’ siya noong 2022.

Aniya sa kanyang New Year post “This year i was forced to face the most broken and shattered version of myself.

“But also meet the survivor i had turned into, who is slowly embracing grace.”

Kabilang ang nangyaring hiwalayan nila ni Tom Rodriguez sa mga intrigang maingay na pinag-usapan noong 2022.

New Year’s resolution, nalaos na ba?

‘Di na ba talaga uso ang New Year’s resolution?

Noon, pagpasok ng Bagong Taon, parang may mga resolution ang lahat.

Pero parang nalaos. Wala nang nagsasabi na may gusto silang baguhin sa buhay nila sa pagpasok ng New Year.

Anyway, may manghuhula pa ba?

Parang nalaos na rin.

Though may iilan, pero ang mga hula raw ay masyadong nega.

Noon kasi talagang namamayagpag ang mga manghuhula bago pa mag-New Year.

Pero now wiz na.

Kathniel, bilyones ang naging streamed noong isang taon!

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pala ang Most Streamed Kapamilyas with over 1 Billion minutes streamed sa iWantTFC.

Kung sabagay, sa social media na talaga ang concentration ng karamihan ngayon though nasa TV pa rin naman ang old school viewers.

At malaking factor sa KathNiel ang nagtapos nilang seryeng 2 Good 2 Be True. Massive ang success nito at maraming natutunan ang mga nakapanood.

May pelikulang gagawin ang KathNiel this year pero abangers din ang kanilang fans sa gagawin nilang teleserye.

Sandara, naglantad ng katawan

Sexy ni Sandara Park sa 2-piece bikini habang nasa Virgin Island, Bohol.

Daming napa-wow. Ang kinis nga naman ng dating pambansang Krung Krung at ang puti-puti.

Kaya nga si Jorross Gamboa, na kasama niya sa Star Circle Quest 1 noon, patawa ang comment “hayyy…. Di na kita mapipigilan. Malaki ka na… 2023 na… ??.”

Wala na sa Pilipinas si Sandara at late post ang nasabing bikini photos pero maraming hindi maka-move on sa kanyang post.

Thirty eight years old na si Sandara na mas kilala na ngayong Dara.

Drag race queens, magle-level up

Unti-unti nang nagkakaroon ng puwang ang pabolosong sining ng drag sa mainstream sa iba’t-ibang palabas – live man o online– at inaangat nito ang mga artist at kanilang craft ‘di lamang sa larangan ng entertainment.

Na tiyak na mas aangat pa sa tulong Fire & Ice Media production, ang kakaumpisa pa lang na kumpanya ng LGBT powerhouse couple – singer-songwriter na si Ice Seguerra at ang kanyang misis na aktres na former chairperson ng Film Development Council Of The Philippines, si Liza Diño.

Mayroon ngang pre-Valentine extravaganza ang drag superstars na pagbibidahan ng Drag Race Philip­pines Season 1 winner na si Precious Paula Nicole kasama sina Viñas Deluxe at Brigiding.

Mula sa kanilang tagumpay sa Aliw Awards para sa Best Stage & Musical Direction para sa anniversary concert ni Ice, nais tutukan ng Fire & Ice media ang spotlight sa sining ng drag sa Divine Divas: The Ultimate Drag Experience.

Ipapakita sa concert ang Philippine drag culture, sa Pebrero 10, 2023, sa New Frontier Theater, Arane­ta City, Cubao.

 Ipapakita rin dito ang iba’t-ibang disiplina ng drag gaya ng impersonations ng music superstars – Beyonce at Lady Gaga pero meron din silang mga orihinal na mga awitin na sinulat bibigyang buhay ng mga drag artists.

Ngunit higit sa kanilang pagtatanghal, nais ipakita ng concert ang makulay na buhay ng mga drag queen: mula sa kanilang paghihirap at tagumpay. Sapagkat sa ilalim ng fabulous makeup at magagandang outfit, siya ay mga taong nais na makita, irepresenta, mapakinggan, at mahalin. Ayon kay Brigiding sa kanyang karanasan: “This is a very inspiring moment for me because I’ve never thought of this when I was younger, I’ve never seen someone like me when I was younger, but because I dreamed and believed, it’s happe­ning. At ngayon naman, to be that inspiration to the younger queer artists and the LGBTQ community ay napaka-gandang bagay.”

Bahagi ng madaming dahilan para sa concert na ito ay ang paglagay sa sining ng drag sa mas malaking platform, sa mas malaking entablado na hindi limitado sa isang niche audience at piling manonood. “This is an opportunity for drag queens to be seen on the main stage and to be considered as mainstream artists. Fire &Ice wants to support that. Especially since we are part of the LGBT community. We deserve to be front and center and not just be on the sidelines. Sa pamamagitan ng concert na ito, we hope that more people will appreciate these drag performers and help normalize drag as a form of entertainment,” paliwanag ng producer na si Ms. Liza.

Para naman kay kay Ice, ito ay mahalagang yugto ito ng kasaysayan ng Philippine drag. “Nasa main stage na ang mga local drag queens natin. You see their names alongside mainstream artists and concert performers. For me, that’s a big thing because drag has always been on the sidelines. Has always been underground.”

Talagang oras na para mailagay sa sentro ang mga drag queens at oras na para rumampa sila sa mainstream stage.

Ang tickets para Divine Divas: The Ultimate Drag Experience ay P800 (Balcony B) hanggang P6,500 (SSVIP) at mabibili ito sa TicketNet (bisitahin ang www.ticketnet.com.ph o tumawag sa 89115555).Co-produced ng Nathan Studios, isang production company na co-founded by award winning actress Sylvia Sanchez, ang concert na ito.                                           

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with