^

Pang Movies

Hiwalay sa pictures...Joshua at Bella, magkasama sa Japan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Hiwalay sa pictures...Joshua at Bella, magkasama sa Japan
Bella Racelis at Joshua Garcia

Nag-post si Joshua Garcia habang nasa bakasyon sa Shibuya, Tokyo, Japan. Nakasuot siya ng itim na top coat dahil malamig naman talaga sa ngayon sa Tokyo, bagama’t wala pang sinasabing nagkaroon sila ng yelo. Sa kanyang social media account, nag-post din naman si Bella Racelis, ang sinasabing syota ngayon ni Joshua ng kanyang pictures na solo lamang, at siya ay nasa Shibuya,Tokyo, Japan din.

Ibig bang sabihin nagbakasyong mag-isa si Joshua. At tapos nagbakasyon ding mag-isa si Bella, at sa iisang lugar sila nagbakasyon pero hindi sila magkasama?

Aywan kung ano ang iisipin ninyo. Sa kabila ng denial na sila nga ay may mutual understanding na, masasabi ba ninyong wala kung magkasama pa silang nagbakasyon sa Japan sa panahon ng holidays?

Iyang mga artista, minsan gusto naman nila ng privacy. Gusto naman nilang makapamasyal din na hindi nila magagawa sa Pilipinas. Makakasipot ba basta-basta sa isang mall si Joshua? Pagkakaguluhan siya lalo na ngayong napakaraming tao. Hindi lang siya ang maiistorbo, magugulo pa ang buong mall. Magagalit sa kanya pati security ng mall halimbawang ang mamasyal silang dalawa ni Bella. Eh afford naman nila, bakit nga ba hindi sila mamamasyal sa abroad?

Ngayon kung sa pamamasyal nila, may nabubuo na namang mga tsismis, tapos nag-deny sila na may relasyon sila, tanggapin na muna natin ang denial, after all personal nilang buhay iyan. Kung dumating ang panahon na handa na silang aminin ang relasyon nila, siguro naman gagawin nila iyon.

Agot, napapadalas ang kanegahan

Nagmarakulyo na naman si Agot Isidro matapos na ang kanilang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival ay hindi masyadong nabigyan ng awards ng jurors. Ito ang punto riyan eh, isinumite mo ang pelikula mo sa paghahatol ng mga huradong iyon. Nagkataong hindi ka nila napili, wala kang magagawa. Pumayag kang hatulan ka nila eh. Kung sana ang usapan eh iyang film entries, sila ang maglalagay ng jurors, baka sakaling makasundo nila ang desisyon. Kaso hindi eh. Ang punto lang diyan, basta hindi nagkaroon ng anomalya o hindi tumanggap ng “bayad” ang mga hurado mula sa mga nanalo, na nangyayari sa ibang awards ha, wala kang mairereklamo.

Iyang awards, sa kanila eh. Sa organizers iyan. Sumali ka lang sa festival eh, natalo ka, wala kang magagawa. Sana sumali ka sa festival pero sinabi mo sa simula’t simula na ayaw namin ng awards na iyan. Huwag ninyo kaming hatulan.

Nagtataka rin naman kami sa attitude ni Agot sa ngayon. Napansin lang naman namin na parang la­ging nega ang kanyang dating. Ganyan din siya nang matalo ang sinasabing syota niya noong si Pilo Hilbay sa eleksyon. Mukhang naapektuhan siya ng pulitika, natalo na naman kasi ang mga manok niya noong nakaraang eleksyon. Tapos hanggang sa festival talo siya. Pero hindi dapat ganoon ang attitude.

Dapat marunong kang tumanggap ng pagkatalo. Hindi maganda ang dating sa publiko noong lagi na lang siyang nagmamarakulyo kung natatalo.

Dating matinee idol na si Alfie Anido, naalala ang kamatayan

Naalala lang naming muli, noong Dec. 30, 1981, mahigit apat na dekada na pala ang nakararaan, nabigla kami sa isang balita na ang matinee idol na si Alfie Anido ay “namatay sa isang car accident.” Kinabukasan lumabas ang sinasabing “nag-suicide” siya. Kakilala namin siya, kaibigan pa nga. Kausap pa namin siya kinabukasan pagkatapos ng Pasko. Nagkakatuksuhan pa dahil birthday nga niya ang Dec. 30, at 22 years old na siya noon.

Kahit na sabihin mong suicide, dapat inimbestigahan iyan ng pulisya, at natatandaan namin, ang hepe ng pulisya noon ng Makati, si Col. Ruperto Acle ay ni walang natanggap na report tungkol sa pangyayari, dahil ang nagsagawa raw ng imbestigasyon ay ang Metrocom. Wala naman, naalala lang namin ang mga nangyari noon.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with