^

Pang Movies

Carla, inaming mas piniling manahimik tungkol kay Tom!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Carla, inaming mas piniling manahimik tungkol kay Tom!          
Carla

Ayon kay Carla Abellana, choice niya talaga na manahimik na lang noong kasagsagan ng hiwalayan issue nila ni Tom Rodriguez. Matatandaan ngang that time ay talagang hindi siya nagsalita at lately na nga lang siya nagkukuwento or nagbibigay ng pahayag tungkol dito.

“I tried my best talaga na hindi magsalita and to stay silent kasi hindi naman din sa ayaw ko, but I owe that din to myself. Less is more kasi baka may masabi kang hindi maganda,” pahayag ni Carla sa vlog ni Camille Prats.

Pero sadyang nakapahirap daw talagang gawin ito when you’re a public figure.

“Kung tutuusin I’ve seen other celebrities na talagang zero na ano ba ilang taon bago nakapagsalita about whatever they went through. Ako nga feeling ko I even shared too much or said too much.

“Feeling ko lang naman na parang did I give away my privacy or some details na hindi dapat? Honestly, hindi madali ‘yun. Na you keep quiet and stay silent,” sey ng aktres.

Aminado naman siyang minsan ay kailangan din naman talagang magsalita especially sa taong malalapit sa kanila.

“Sometimes the public, they feel like you owe them an explanation or answers. Kailangan din naman na mag-explain tayo lalo na let’s say sa mga manager natin or whatever, mga management ng network, ‘yung mga ganoong bagay kasi ayaw mo rin naman silang no idea or leave in the dark,” paliwanag niya.

“Gustuhin mo man to keep quiet but it’s also very hard for us, in our industry and career natin,” dagdag pa ng aktres.

Sa video ay makikitang mukha namang masaya na si Carla at tila naka-move on na sa paghihiwalay nila ni Tom.

So far ay wala namang naging reaction si Carla sa latest interview ni Tom kung saan ay sinabi ng aktor na mahal pa siya nito.

Misis ni Jovit, nakikiusap sa mga nagkakalat ng fake news

Nakiusap ang misis ni Jovit Baldivino na huwag nang palalain ang kundisyon ng asawa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news.

Sa Facebook post ni Camille Ann Migues last Tuesday, ramdam na ramdan mo ang hirap ng kalooban niya sa nangyayari kay Jovit kaya naman may pakiusap siya sa mga netizens.

“Sa Lhat po ng nag Popost sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at d kau nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission..wag nyo pong palalain ang sitwasyon nya!!!!!!makapag post lng kau...” pahayag ni Camille.

Bagama’t hindi na idinetalye ni Camille kung ano ang kundisyon ngayon ng asawa, sinabi niyang kailangan nila ng prayers.

“Prayers po ang kailangan nmn d ang maling post nyo!” aniya.

Matatandaang pumutok ang balitang isinugod sa hospital ang Pilipinas Got Talent champion noong Dec. 4 matapos ito umanong mag-collapse sa isang party sa Batangas.

Pagkatapos nito ay sari-sari na ngang balita ang lumabas. Diumano ay inatake raw at may nagsabi pang pumutok daw ang ugat nito sa ulo.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with