^

Pang Movies

Isko, nakatikim ng bashing nangtanggapin si Ninoy!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Isko, nakatikim ng bashing nangtanggapin si Ninoy!             
Isko

Si Yorme Isko Moreno ang gaganap sa role ni Ninoy Aquino sa isang pelikulang kumukuwestiyon sa kanyang tunay na motibo sa bayan. Ang director ng pelikula ay si Darryl Yap na siya ring gumawa ng matagumpay na pelikulang Maid in Malacañang na nagpakita ng diumano ay mga huling oras ng mga Marcos sa palasyo.

Mabilis naman ang reaksiyon ng iba, na bina-bash agad si Isko sa pagtanggap sa role na iyon. Pero ano ba ang kinalaman ni Isko bukod sa isa siyang artista?

Hindi naman siguro siya ang producer ng pelikula. Hindi rin siya kasosyo ng producer. Artista lang siya eh.

Kung iyan man ay isang propaganda movie, ang dapat na managot diyan ay ang director at ang producer, hindi ang artistang kinuha nila at binayaran para gumanap lamang sa isa sa roles.

Para kang bumili sa grocery. Kung pagbukas mo ng produkto ay may depekto, hindi ang grocery ang idedemanda mo kundi tatayo lang silang saksi na nabili mo nga sa kanila ang produkto, pero ang responsible ay iyong gumawa ng produkto. Sa kaso ng isang pelikula, ang director at ang producer ang may responsibilidad.

Ang artista, responsible lang sa kanyang performance sa ginawa niyang pelikula.

Vhong, nasa NBI pa!

Hindi pa rin pala naililipat ng NBI si Vhong Navarro sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, siguro dahil hindi pa natatapos ang kanyang mga papeles kabilang na ang health checkup bago siya ilipat ng custody.

Ang paglilipat sa kanya sa Taguig City Jail ay mahigpit ding tinututulan ni Vhong at ng kanyang legal team.

Pero noong isang araw ay nabigo na naman si Vhong na baliktarin ang naging desisyon ng RTC na pawalang sala ang isa sa idinemanda niya kaugnay ng kasong pananakot at pambubugbog na isinampa naman niya laban kina Deniece Cornejo at sa negosyanteng si Cedric Lee, si Jed Hernandez. Si Jed na sinasabi ring isang martial arts expert ay sinabi ni Vhong na sangkot din sa pananakot at pagbugbog sa kanya. Pero ang kaso laban kay Jed ay dinismiss ng RTC. Sa kanilang bagong desisyon na kung saan kinatigan ng CA ang RTC, sinabi nilang hindi sapat na ebidensiya na dahil si Hernandez ay kasama sa presinto nang sinasabi ni Vhong na sapilitan siyang binitbit doon at pinaamin ng kasalanang hindi niya ginagawa ay nangangahulugang kasangkot na nga si Hernandez.

Kung iisipin, napakatagal na nga niyang kasong iyan, pero dahil sa kung anu-anong mosyon na inihaharap sa husgado, hanggang ngayon hindi pa iyan nabibistahan nang tama. Napag-uusapan lamang iyan sa ngayon dahil binabantayan na nga ng lehitimong media, pero hindi nga maikakaila na baka iyan ay magbunga na ng trial by publicity dahil marami nang iba-ibang opinion ang mga tao, ganoong wala pa ngang pagdinig sa hukuman.

Ang pinakamaganda ay sundin na agad ang tagubilin ng hukuman, at pabayaan na nating ang hukuman ang magpasya sa kasong iyan.

Napansin na nga ng CA na nagkaroon na ng pagkakamali nang isantabi ng DOJ ang kaso, kaya muli nilang inutusan ang hukuman na isampa na ang kaso at madaliin iyon.

Ginawa naman ng hukuman, pero mukhang nagkakaroon ng delay sa pagpapatupad ng mga utos.

Resulta ng EDDYS, inaabangan!

Marami ang nanghihinayang. Dati isa ang award giving body na iyan sa pinakaka-abangan ang resulta, pero simula nang unti-unti nang mawala ang mga orihinal na miyembro, at napalitan ng mga hindi kilala ng publiko, nasabayan pa ng talamak na korapsyon ng ibang awards na hindi na inililihim ang lagayan, hindi na rin sila napansin.

Ang inaabangan na lang namin ay ang awards na igagawad ng mga entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo, iyong EDDYS. Mukhang iyon na lang ang maaasahan natin sa ngayon.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with