^

Pang Movies

Aktor, iniwan ng kanyang mag-iina

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Bumalik pala sa ibang bansa ang partner ng isang aktor at isinama ang kanilang mga anak. Kaya pala kapag nagpo-post ang aktor ng mga larawan ng kanyang pamilya, laging may kasamang comment na “miss you.”

Kaya rin sa mga special occasion ng partner at mga anak, sa FaceTime na lang nababati ng aktor ang kanyang partner at mga anak. Nagtaka ang fans ng aktor dahil akala nila nasa bansa ang pamilya ng aktor, kundi lang sa mga hirit nitong “miss you.” 

Hindi naman daw hiwalay ang aktor sa kanyang partner dahil nata-tag pa rin niya ito sa kanyang mga post. Baka raw nagbabakasyon lang sa bansa kung saan galing ang partner ng aktor ang kanyang mag-iina. Kaya lang, parang matagal na sa ibang bansa ang mag-iina ng aktor, saka ipinagpipilitan ng mga galit sa aktor na iniwan siya ng kanyang mag-iina dahil “maingay” siya.

May ibang anak ang aktor sa ibang babae, pero ang mga mas bata ang kasama ng kanyang partner.

Jeric, natulungan nina Alden at Bea

Kahit si Jeric Gonzales aaminin na malaking parte ang Start-Up PH sa magandang takbo ng kanyang career. Magaling na siya sa past project niya, pero sa nasabing series na kasama sina Alden Richards at Bea Alonzo napansin na mahusay siyang aktor at kayang sumabay sa dalawa.

Dahil din sa Start-Up PH nagsisimula na siyang kuning endorser. Heto nga, si Jeric ang napiling first male endorser ng Dermclinic at siguradong masusundan pa ng ibang endorsement.

Samantala, nagpapasalamat si Jeric kay Bea dahil at na-inspired siya sa pagiging propesyunal ng aktres. Nalaman pa niyang may Team Dada (Dani and Dave, mga pangalan ng karakter nila ni Bea sa series).

Vice, napahanga kay Bianca

Kabilang si Vice Ganda sa napahanga sa ganda ni Bianca Umali at sa pinost nitong photos. Sa black and white photo na pinost nito na may caption na “Moi. Most empo­wered when in suits” marami ang nag-comment.

Isa sa nag-comment si Vice Ganda na ang sabi, “Ganda!” Sinagot siya ni Bianca ng “@praybeytbenjamin mana lang sayo, mama Vice...”

Pati si Carla Abellana napa-comment ng “Love” at may nag-comment pang sobrang ganda ni Bianca. May netizen pang nag-comment na parang ka-level ni Bianca sa nasabing larawan si Gigi Hadid, Hailey Baldwin-Bieber, at Kendall Jenner.

Gerald, nasarapan sa pagkain ni Marjorie

Pinost ni Gerald Anderson sa kanyang IG story ang food na ipinadala ng future mom-in-law niyang si Marjorie Barretto. Hindi namin alam ang pangalan ng mga niluto ni Marjorie na sobrang nagustuhan ni Gerald dahil may caption na “Soo good” at “The world is missing out” dahil siguro sa sobrang sarap.

Ni-repost ni Marjorie ang post ni Gerald at sabi, “Glad you like it!” napa-react tuloy ang netizens na gusto rin sana nilang matikman ang food na pine-prepare ni Marjorie dahil nababasa nilang magaling at mahusay nga itong magluto.

Madalas matikman ni Gerald and dishes na niluluto ni Marjorie dahil madalas sila ni Julia Barretto na bumisita sa bahay nila Marjorie at lagi rin siyang present sa mga f­amily event ng mga Barretto.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with