^

Pang Movies

Heaven, kinaiinggitan sa halik ni Ian!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nakatatawa ang comments sa TikTok nina Heaven Peralejo at Ian Vene­racion dahil karamihan, may halong selos at inggit kay Heaven. Kasi naman, sweet ang dalawa sa TikTok at kiniss pa ni Ian ang kapareha sa Metro Manila Film Festival entry na Nanahimik Ang Gabi at kahit sa noo lang ang kiss, kiss pa rin daw ‘yun.

Sabi ng isang comment, sa lahat ng naging leading lady ni Ian, kay Heaven lang siya kinabahan at may sumunod pang comment na pinainit ni Heaven ang ulo niya. May nakiusap pa kay Heaven na ‘wag naman si Ian. May nainis pa sa expression ni Heaven sa kiss ni Ian dahil kilig na kilig daw.

May nagpaalala naman kay Ian na ‘wag magpapadala kay Heaven at sa inis ng isang netizen, pabirong nag-comment ng “Ang landiiiiii hihihi.” Pinayapa naman ng isa pang netizen ang mga nag-react at sinabing halik lola ang ginawa ni Ian, kaya wala silang dapat ikagalit kay Heaven.

May nag-comment pa na ngayon lang niya nakita si Ian sa promo ng movie na sobrang sweet sa leading lady. Bakit daw noong makapareha niya sina Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo, hindi siya sobrang sweet?

Naku, magre-react pa ang netizens, fans at mga may crush kay Ian kapag napanood na ang buong pelikula dahil tiyak na maraming mga eksena sina Ian at Heaven na ayaw nila.

Heart, pumalag nang tawaging butiki

Supalpal kay Heart Evangelista ang nag-comment na “U look like butiki! Lol!” sa sagot niyang “OMG I really tried to look like tha!!:) Buti ka pa effortless:).”

Hindi palaban ang netizen, kaya hindi na sumagot sa buwelta sa kanya ni Heart. Marami ring followers si Heart na napansin ang kanyang pagpayat, pero wala silang itinawag o ikinumpara na hayop kay Heart.

Naisip din ng followers ni Heart na pumapayat ito dahil sunud-sunod ang biyahe at nitong huli nga, lumipad siya pa-Singapore para sa event ng isang brand. Sa video na na-share nito, cool lang si Heart, pero ang totoo, na-stress dahil katabi niya si Kim Yugyeom, isa sa member ng Got7 at lead vocalist ng K-pop group.

Minahal si Heart ng fans ng Got7 sa sinabing para sa fans ng K-pop band ang kanyang video. “Kunwari lang wala akong pake pero stressed ako, Yung katabi ko... Para sa inyo ‘to,” sabi ni Heart.

KC, nilantad ang unang lalaki sa buhay

Sumabay ang followers ni KC Concepcion sa Instagram sa pagbati niya ng happy birthday sa dad niyang si Gabby Concepcion na nag-celebrate ng 58th birthday noong Nov. 5. Nag-post si KC ng throwback photo nila ni Gabby na nasa dagat sila at may sweet message.

“To the most gorgeous man in my life! Happy birthday to my popps, the first man I ever loved. Your unconditional love brings me so much comfort and I’m sooo grateful for what we have today. I love you @concepciongabby. To many more of these beautiful memories we’ve made and continue to make together. You inspire me to keep calm and live life to the fullest! Happy happy birthday!!!”

Sa latest post ni Gabby, nasa Sydney, Australia siya, kaya hindi sila puwedeng mag-celebrate ng birthday niya with KC at iba pang anak ni Gabby. Hintayin natin ang pagbabalik ng aktor at siguro naman, magkikita sila ni KC.

vuukle comment

HEAVEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with