^

Pang Movies

Lotlot, ayaw matulad si Janine sa kanya!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Lotlot, ayaw matulad si Janine sa kanya!             
Janine

Wala naman daw objections si Lotlot de Leon kung ang kanyang anak na si Janine Gutierrez ay makipagrelasyon kay Paulo Avelino. Eh bakit nga ba mag-o-object si Lotlot, hindi ba noong araw pinakialaman ang love life niya na hindi niya nagustuhan. At wala sa edad na nagpakasal siya kay Ramon Christopher. At sa rami ng nakikialam, naging magulo iyon.

Ang kasal na dapat sana ay sa simbahan, ginawa sa Club Filipino, kasi nga ang daming naging objections dahil sa edad ni Lotlot. At gaya nga ng inaasahan, dahil batang nag-asawa, nauwi rin sila sa paghihiwalay.

Na-experience rin naman niya kung papaano ang maraming nakikialam, kaya nga siguro ayaw naman niyang maranasan iyon ng kanyang anak.

Wala ka rin naman sigurong masasabing objectionable kay Paulo, maliban doon sa sinasabing nakipagrelasyon siya, nagkaroon ng anak, tapos ay nahiwalay rin. Pero maliwanag naman na hindi niya pinabayaan ang anak niya, na sinusustentuhan niya at dinadalaw sa tuwing siya ay may pagkakataon. Ngayon nga lang, mahirap gawin iyon dahil ang anak nila ay dinala ni LJ Reyes sa US, matapos muling mahiwalay iyon sa nakarelasyong si Paolo Contis.
Maski nga si LJ na nakasama niya at hiniwalayan, wala namang masabing masama laban kay Paulo, at isa pa mukhang mas nagkakasundo nga sila ngayon ni Janine kaya ano pa ba ang problema?

LTFRB, na-bother sa reklamo ng K-Pop singer 

Kung minsan maiisip mong mabuti rin naman pala na may isang artistang Koreano na naloloko ng isang balasubas na taxi driver dito sa atin. Kasi ngayon dahil sa nangyari, kumilos ang LTFRB para mahuli ang mga taxi na naniningil ng sobra, o ayaw magsakay ng pasahero. Puwede pa ba silang magtulug-tulugan eh iyong post ni Joshua Hong kumalat sa buong mundo. Iyon din namang mga taxi driver, dahil napahiya rin silang kumalat sa buong mundo na may mga mandurugas na taxi drivers sa Pilipinas, hindi na kagaya noong dati na pagsakay mo sasabihan kang dagdagan mo sila ng isandaan dahil mahal ang gasolina at ma-traffic, o pagsakay mo hindi pa naibababa ang metro sasabihin na sa iyo kung magkano ang sisingilin niya sa iyo sabay katuwirang “hindi kami mabubuhay sa metro.”

Ngayon, nagpaparinig na lang sila sa pasahero kung ma-traffic, o kaya naman basta tatakbuhan ka na lang at hindi ka isasakay kung ayaw nilang pumunta sa destinasyon mo.

Kahit na anong reklamo ang gawin dati ng mga taxi rider, wala namang nangyayari. Pero nang isang Koreano na ang magreklamo at kumalat na nga sa buong mundo ang balita, at saka sila kumilos.

Patrick, matagal nang niligwak ng Star Magic

May nagkuwento, matapos ang imbestigasyon sa sumbong ni Rhys Miguel, talaga palang iniligwak na ng Star Magic si Patrick Quiroz, iyon daw ang dahilan ng post niya noon sa social media na umiiyak. Pero siyempre, ang drama bumalik siya sa US para asikasu­hin ang papeles niya sa citizenship.

Nang inakala siguro nila na tahimik na, nagbalik siya rito at tumalon nga sa GMA 7. Kaso nga muling pumutok ang issue nang ilabas ni Rhys sa publiko ang panghahalay na ginawa sa kanya ni Patrick, na sinundan pa ng patunay ni EJ Panganiban na nagsabing siya man ay hinalay rin noon. Iyon sigurong pagkakatanggal sa kanya ng ABS-CBN ay dahil may napatunayang totoo nga ang sumbong laban sa kanya?
Ano nga kaya ang mangyayari sa career niya ngayon? Sayang na bata. Hindi bale, uso naman ngayon ang mga pelikulang pang-internet streaming eh. Hanggang hindi pa naaamyendahan ang MTRCB law, puwede pa iyan.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with