^

Pang Movies

Mikael at Megan, ‘di pa pinipilit magkaanak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mikael at Megan, �di pa pinipilit magkaanak
Megan at Mikael

Ang hindi pagkakaroon pa ng anak ang napag-usapan ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young sa kanilang podcast.

Two years ng kasal ang dalawa at hindi maiwasang sila ay matanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa silang anak.

Sabi naman ni Megan, hindi nila problema ni Mikael kung magkakaanak man sila o hindi. Nagugulat daw ang tao ‘pag nalamang wala pa silang anak dahil karaniwan sa pamilyang Pilipino ay may anak mga one year or two years after ikasal.

“My answer to those questions would be, if we have kids, then we have kids. If we don’t, we don’t. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life. I guess it’s not normal or it’s not like a common thing for couples to be like, “Yeah, we’re fine even if we don’t have kids,” pahayag ni Megan.

Para kay Mikael, si Megan daw ang dapat mag-decide kung magkakaanak sila dahil si Megan ang magbubuntis at magdadala ng baby.

“I say we’re going with the flow and it’s really all up to Bonez (Megan). Because like you said, you are the baby carrier and I’m just here to tell then that I’m here to support.”

Habang hindi pa nagde-decide ang couple kung magkaka-baby na sila, ini-enjoy nila ang kanilang sarili by travelling at uminom at tikman ang iba’t ibang kape. Of course, kasama rin nila ang fur babies nilang sina Soba at Chia.

Sa ngayon, si Mikael pa lang ang may regular show sa GMA 7, napapanood siya sa Running Man PH. Si Megan ay naggi-guest paminsan-minsan habang naghihintay ng project.

Ruru, dinalaw ang pinagmulan

May nag-react sa pagdalaw ni Ruru Madrid sa Marikina, actually, ang fans ng Lolong sa Marikina ang kanyang binisita, sa mga lugar na naging parte ng buhay niya o buhay ng kanyang pamilya.

Gaya ng Barangay Parang, Marikina City na sabi nito, doon lumaki ang kanyang ama at mga kapatid nito.

Malaking parte raw sa kanya ang lugar dahil doon siya nagbabakasyon.

Pumunta rin ito sa basketball court kung saan, nagba-basketball siya dati. Ipinakita pa nga nito ang husay niya sa free throw dahil na-shoot ang bola na hawak at ibinato.

May inakyat din siyang bahay at may naabutang nanonood ng Lolong na kanyang binigyan ng Lolong merchandise. Game ring nakipagkodakan ang aktor sa fans at may kinarga pa nga siyang baby.

Pero, sabi ng fan nito, kulang ang lugar na kanyang ipinakita dahil wala ang dati nilang tinirahang bahay na sa kuwento niya, sinaraduhan ang bahay ng may-ari dahil hindi sila makabayad ng upa. Maganda raw kung pati ‘yun ay binisita ni Ruru at makita kung ano ang reaction ng former landlady nila ngayong maganda na ang estado sa buhay ng aktor at sikat na.

Sen. Bong, Pro-POGO

Sa Linggo na ang birthday treat ni Sen. Bong Revilla sa kanyang supporters at tinawag niyang Alyas Pogi Birthday Giveaway, sabay ng kanyang 56th birthday. Malalaking papremyo ang ipamimigay at ang pinakamalaking premyo ay ang new cars at 10 motorcycles.

Sa kanyang Facebook, ibinalita ng senador na dalawa na ang kotse na mapapanalunan. “Kaya masayang-masaya po ang aking kaarawan sa darating na linggong ito para sa lahat.”

Speaking of Sen. Bong, hindi siya pabor sa total shutdown ng POGO, hindi raw ito ang solusyon. “Sayang ang kikitain ng pamahalaan kung basta-basta na lang ipasasara ang isang buong industriya dahil sa bulok na iilan. Ang kailangan ay hagarin at panagutin sa batas ang mga hindi rumerespeto at sumusunod sa ating mga batas and provide a healthy business environment for law-abiding and compliant establishments.

“We should also ensure that those doing business pay the correct taxes that our country badly needs. Kung hindi nagbabayad, ‘yan ang ipasara kasama nung mga magugulo at balasubas.

“This is the challenge to our regulators, tax collectors, and law enforcers.

“Gawin lang nila ang trabaho nila, tulad ng sa ibang industriya, ay maisasaayos natin ito,” pahayag ni Sen. Bong.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with