^

Pang Movies

Bong, laging may oras sa showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bong, laging may oras sa showbiz
Bong

Talagang Happy September ang month na ito, Salve.

Pero ang pinaka-busy siguro sa lahat ng celebrant ay si Bong Revilla. Kasi nga aside from showbiz, siyempre may political group din siya.

Talagang halos everyday meron siyang ginagawa -medical mission, dental, educational help, at halos libutin niya ang Pilipinas dahil sa mga hinihingi sa kanyang assistance.

Pero talagang may inilalaan siyang araw para sa mga taga-showbiz, hindi  puwedeng mawala ito. Kaya nga excited siya sa face-to-face meeting niya sa entertainment media dahil matagal din bago naganap ito dahil nga sa pandemic.

Matagal at mahaba na rin ang experience ni Bong sa pulitika. At sa panahon ngayon na gusto na rin ng mga masa na mabago ang mukha ng pulitika, na kailangan young blood na ang mga nasa puwesto, siguro naman panahon na para ipakita ni Bong Revilla na kaya niya kahit anong puwesto.

Matibay ang puso niya sa pagharap sa pagsubok, at sa dami nang nalagpasan niya, kayang-kaya na niyang harapin anumang hamon.

I will always put my trust on Bong. Alam ko kung paano siya mag-trabaho, kung hanggang saan ang honesty niya. Loyal siya sa mga taong nagmamahal sa kanya. At laging bukas palad siya sa mga may kailangan ng tulong niya.

Kahit saan landas mapunta, ang life journey niya, susunod kami, at susuporta sa kanya.

Happy Birthday Bong Revilla, a prosperous successful years ahead for you. 

(All the best Sen. Bong. Happy birthday. - Salve)

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with