^

Pang Movies

Baron feeling Papa P, pinaglaway ang bekizens  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Baron feeling Papa P, pinaglaway ang bekizens         
Baron

Pagkatapos ng frontal nudity ni Baron Geisler sa Vivamax streaming video na Lampas Langit, panay naman na ang pag-post ng aktor ng kanyang fit body sa social media.
Sa latest post niya sa Instagram, pinaglaway ng aktor ang maraming bekizens sa kanyang mga topless photos na nilagyan niya ng caption na “Majestic view. Isang paligo nalang kay Papa P.”
Marami namang nag-init pa rin sa mga pa-yummy photos ng 40-year old na aktor. Marami rin ang natuwa na mas maayos nang tingnan si Baron kumpara noon na pinabayaan na niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang mga bisyo.
May nag-suggest pa kay Baron na dapat gumawa siya ng sunud-sunod na sexy movies para mapanatili niya ang ganda ng katawan.

Flattered naman si Baron sa mga comment na natanggap ng posts niya. Sa kanyang edad daw, kailangan ay priority na niya ang kanyang kalusugan para mas ma-enjoy pa niya ang kanyang buhay at ang kanyang pamilya.
Noong nakaraang July ay nakipag-ayos na siya sa kanyang misis na si Jamie Evangelista. Dumaan kasi sila sa ilang marital problems pero inayos na ito ni Baron bago sumapit ang birthday ng kanyang misis.

Kinasal ang dalawa noong September 2019 after silang mag-meet sa isang rehabilitation clinic.

Pasyente noon si Baron at psychologist naman si Jamie. Meron silang 2-year old daughter named Talitha Cumi.

Hipon, naaksidente sa bakasyon

Hindi napigilan matawa ng maraming subscribers ng YouTube channel ni Herlene “Hipon Girl” Budol dahil sa natamong aksidente nito kamakailan.
Naganap daw ang aksidente habang nagbabakas­yon sa isang mamahaling resort sa Batangas si Hipon kasama ang kanyang pamilya.
Sa naturang vlog, ipinakita ng 2022 Binibining Pilipinas first runner-up ang kagandahan ng resort at ang bonding niya sa kanyang pamilya. Ipinakita rin niya ang suot niyang bathing suit at ang ilang swimming pools at villas.
Noong nililibot na ni Hipon ang iba’t ibang kuwarto at pababa na siya sa first floor para subukan ang jacuzzi, hindi inaasahan ni Hipon na madulas siya sa hagdan at mapahiyaw siya sa sakit ng paghulog niya. Mabilis naman na binigyan ng paunang lunas si Hipon sa mga natamo siyang gasgas sa braso.

In-assure naman ni Hipon sa mga ka-Squamy na okey siya at hindi siya nabalian ng anuman sa katawan.

Hindi nga naman puwedeng mangyari iyon dahil magsisimula na ulit sa kanyang training si Hipon sa pag-compete niya sa 2022 Miss Planet International sa Uganda, East Africa.

J-Law ‘di inasahang magiging mabuting ina

Hindi tinago ng Oscar winning actres na si Jennifer Lawrence na naranasan na niyang makunan ng dalawang beses.

Sa interview kay J-Law sa October issue ng Vogue, inamin niya na nabuntis siya noong siya ay nasa kanyang early 20’s at pumasok sa isipan niya ang ipa-abort ang baby. Pero bago pa man mangyari iyon ay nakunan siya habang nasa Montreal, Canada.

Yung pangalawang miscarriage niya habang nagsu-shooting siya ng pelikulang Don’t Look Up noong 2020.
“I remember a million times thinking about it while I was pregnant. Thinking about the things that were happening to my body. And I had a great pregnancy. I had a very fortunate pregnancy. But every single second of my life was different. And it would occur to me sometimes: ‘What if I was forced to do this?’” sey pa ng aktres.
Ngayon ay masaya si J-Law sa kanyang pagi­ging ina sa anak nila ng mister niyang si Cooke ­Maroney na pinangalanan nilang Cy.
Manghang-mangha nga raw ang aktres dahil hindi niya nakita ang sarili niyang magiging mapagmahal siyang ina.
 “It’s so scary to talk about motherhood. Only because it’s so different for everybody. If I say, ‘It was amazing from the start,’ some people will think, ‘It wasn’t amazing for me at first,’ and feel bad. Fortunately, I have so many girlfriends who were honest. Who were like, ‘It’s scary. You might not connect right away. You might not fall in love right away.’ So I felt so prepared to be forgiving.

“The morning after I gave birth, I felt like my whole life had started over. Like, ‘Now is day one of my life.’ I just stared. I was just so in love. I also fell in love with all babies everywhere. Newborns are just so amazing. They’re these pink, swollen, fragile little survivors. Now I love all babies.”

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with