^

Pang Movies

Vlogger na si Zeinab Harake, nalagpasan na ang bangungot sa ex na nambabae!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vlogger na si Zeinab Harake, nalagpasan na ang bangungot sa ex na nambabae!            
Zeinab

Matapos ang hiwalayan nila ng rapper na si Skusta Clee last March, moving on na ang sikat na vlogger/social media influencer na si Zeinab Harake at sa ngayon ay nasa bagong chapter na ng kanyang buhay.

Five months after the separation, humarap si Zeinab sa entertainment press last Friday sa kanyang grand media launch bilang endorser ng mga bagong produkto ng Beautederm.

Ayon kay Zeinab ay okay na siya ngayon matapos ang bangungot na pinagdaanan although aminado siyang bumabalik-balik pa rin sa isip niya ang mga naranasan.

“Sa totoo lang po, alam naman po siguro ng media ‘yan na five months ago pa lang ‘yung nangyari sa ‘king bangungot po talaga ‘yun, sobrang bangungot.

“Kapagka naiisip ko siya, talagang parang bumabalik ako sa posisyon na ‘yun. So, hindi pa talaga ako makapag-focus.

“Mukha akong okay and happy every time sa lahat, sa harap ng lahat. Pero ‘yung one thing na hindi ko mabalik ngayon is ‘yung focus ko po siguro. Kasi dati, kaya kong mag-vlog ng five content sa isang araw.

“Ngayon, sa isang linggo, dalawang vlog, hirap na hirap ako kasi ang dami kong iniisip,” she said.

“Kailangan ko lang mag-heal ng totally para makabawi sa sarili ko,” dagdag niya.

Matatandaang unang umamin si Zeinab tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta sa vlog ni Toni Gonzaga last May. Sa nasabing panayam ay umiiyak na idine­talye niya ang mga masasakit na karanasan kabilang na ang pambababae umano ng karelasyon.

May isa silang anak na si Bia na ngayon ay nasa kanyang poder. Nabuntis siya sa pangalawang anak nila at nakunan siya nang hiwalay na sila.

At para sa mga kababaihan na dumaan din sa kanyang mga pinagdaanan, may payo si Zeinab.

“Number one talaga, ‘wag kayong magpapaabuso. Kapag ginawa na, tama na. Ako po kasi talaga, ginawa na sa akin ng ilang beses pero dahil mahal ko, paulit-ulit, alam n’yo naman.

“Pero du’n ko napatunayan na kapagka ang isang tao, may ginawang hindi maganda sa ‘yo, sinadya niya ‘yun. Hindi niya ginawa ‘yun dahil nagkamali siya. Ginawa niya ‘yun dahil intensyon niyang gawin ‘yun para sa sarili niya,” pahayag ng vlogger na may over 50 million followers sa social media.

Sa ngayon ay very thankful and grateful si Zeinab na nakaya niyang malampasan ang darkest moment na ‘yun ng kanyang buhay. Masaya sa mga dumada­ting na blessing kabilang na nga ang pagiging brand ambassador ng oral care products ng Beautederm gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu White­ning Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray.

“Sobrang saya kasi first time… ‘eto pong media na ‘to, ‘eto pong presscon na ‘to, sobrang first time lang nito sa akin lahat,” ani Zeinab.

“Gagawin ko talaga lahat ng best ko at ‘yung feelings ko talaga ngayon, sobrang saya,” sambit pa ni Zeinab.

Pahayag naman ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, “sinasalubong namin si Zeinab sa aming pamilya at welcome na welcome addition siya sa pagkalat namin ng mensahe ng pagmamahal ng Beautéderm sa kanyang 50 million fans online. I am so grateful for the love and support of all my ambassadors who remained loyal to Beautéderm after all these years and I am excited to be with our new ambassadors and have an exciting adventure with them in the years to come.”

vuukle comment

ZEINAB HARAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with