^

Pang Movies

‘Di nagpakabog sa sayawan... Billy, binigyan ng standing ovation sa France

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
�Di nagpakabog sa sayawan... Billy, binigyan ng standing ovation sa France
BIlly

Proud wife si Coleen Garcia sa asawang si Billy Crawford at sa partner nitong si Fauve Hautot dahil binigyan ng standing ovation sa dance number nila sa Dancing With The Stars French edition. Nag-number one rin ang dalawa sa score at marami sa nakapanood ang nagsabing, mahusay talagang magsayaw si Billy.

Marami rin ang nag-congratulate kay Billy kabilang si Gary Valenciano na alam nating mahusay ring dancer. Ayun, marami ang nagkainteres na mapanood ang dance number nina Billy at ng kanyang kapareha.

Napansin pala namin na sumugod ang French netizens sa Instagram ni Billy at masipag silang mag-comment na dahil French ang post, hindi natin maintindihan. Sa translation, may nagsabing he reminds Billy of his childhood. May nag-comment na happy siya na nagbalik sa France si Billy at fan siya nito noong sumikat si ito sa France.

Tapos na yatang mag-taping si Billy ng buong season ng The Wall PH, ang game show na hino-host niya sa GMA 7 at collab ng GMA at Viva Entertainment. Hindi niya kailangang magmadaling bumalik ng Pilipinas para mag-taping.

Dingdong at Marian, may bagong ginawa!

May pa-teaser si Dingdong Dantes tungkol sa bagong project nila ng asawang si Marian Rivera, walang clue na ibinigay si Dingdong at ang caption sa pinost na photo ay “Launching Soon!” Mukhang bagong endorsement nilang dalawa dahil kung TV series, katatapos pa lang ng sitcom nilang Jose & Maria’s Bonggang Villa.

Saka, parang puno pa ang schedule ni Dingdong sa pagho-host ng Amazing Earth at Family Feud na extended up to December this year.

Anyway, nominated si Dingdong na Best Actor sa Gawad Urian para sa pelikulang A Hard Day ng Viva Films. Sina John Lloyd Cruz, Paolo Contis, Christian Bables, Francis Magundayao, Shogen, at John Arcilla ang makakalaban ni Dingdong.

And speaking of Marian, ipinagtanggol siya ng kanyang fan sa isang netizen na nag-comment na hindi tumugma ang pagdalo at pagsa-shopping ni Marian sa ArteFino dahil branded bag ang gamit niya sa okasyon. Tama naman ang fan ni Marian sa sinabing walang masama kung nagsusuot o gumagamit ng branded stuff si Marian, ang importante, gumagamit at nagsusuot din siya ng local brand.

Puwede namang pagsabayin ang local at branded stuff at in fairness kay Marian, matagal na niyang isinusulong ang paggamit ng local brand at hindi ibig sabihin, hindi na siya gagamit at magsusuot ng branded stuff.

MIM, naka-$1M sa Middle East

Post ni director Darryl Yap, umabot sa $1M ang total gross ng Maid In Malacañang o MiM sa Middle East na cover ang UAE, Kuwait, Bahrain, Oman, at Qatar. Idagdag pa ang box-office gross ng movie sa Pilipinas at iba pang parte ng mundo, puwedeng sabihing ang Viva Films movie na ang highest grossing Filipino film.

Maganda ring makita na sa bagong promo ng Viva Films, kasama na ang photos nina Karla Estrada, Beverly Salviejo, at Elizabeth Oropesa na guma­nap na tatlong kasambahay.

Also, mukhang tuloy na ang sequel nito na Martyr o Murder o MoM dahil nakipagkita na kay Vincent del Rosario si Jerome Ponce na gaganap na young Ninoy Aquino. Maaalalang si Jerome ang lead actor sa Katips na sabay ang showing sa MiM at naging controversial dahil nanood ng MiM.

Camille, balik-drama

Pinalitan na pala ang title ng bagong Afternoon Prime ng GMA dahil from MariStella, Arabella na ang title ng drama series. Mabuti at hindi pinalitan ang director na si Adolf Alix Jr., at ang cast.

Balik-drama rito si Camille Prats at makakapareha niya si Wendell Ramos. Kasama sa cast sina Alfred Vargas, Shayne Sava, Abdul Raman, Althea Ablan, at Klea Pineda.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with