^

Pang Movies

Ken, mahusay humawak ng oras!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ken, mahusay humawak ng oras!
Ken

Ang bait pala at ang sipag ni Ken Chan, Salve. Dahil love na love siya ni Gorgy, ang dami niyang kuwento tungkol sa mga negosyo na naitayo nito. At ang husay nitong magluto.

Kaya naman waiting ako na matikman ang mga nasa menu nila sa mga resto niya lalo na ‘yung may theme ng Christmas. Isa siguro sa magiging dahilan para sumikat si Ken Chan ‘yung pagiging sweet at kind niya, aside sa napakagalang.

Sana nga magtagumpay ang kanyang mga resto para mas lumago pa ang kanyang negosyo at mas marami siyang matulungan. Kahanga-hanga ang mga tulad ni Ken Chan na mahusay sa time management. Dalawa ang career, artista at negosyante. Bongga!

Huwag mong kalimutang ipatikim sa akin ang mga pagkain sa resto n’yo, Ken Chan, or else lagot si Gorgy na panay ang puri sa iyo at press release ng mga resto mo. Awayin ko siya, hah hah hah.

Cong. Rachel, mahilig tumulong sa mga taga-showbiz

Dahil busy si Salve kahapon, ‘di pa niya nadadala ang ‘Love Envelope’ ni Cong. Rachel Arenas na ibinigay sa akin. Buti na lang at kahit masakit ang katawan ko, nagbasa ako ng mga text sa akin, at nakita ko message ni Cong. Rachel Arenas. Kaya nabawasan ang pananakit ng balikat ko.

Buti na lang talaga ay nabasa ko ang message ni Cong. Rachel Arenas kaya nakapag-thank you ako. Hindi na ako nagulat sa pagmamahal ni Cong. Rachel, kasi ever since mula pa sa mother niyang si Cong. Baby Arenas ganun na sila tumulong sa mga showbiz people. Ganun na sila ka-sincere sa kanilang relationship sa mga taga-showbiz.

Naku, Salve, ha inuna mo ang rampa today. ‘Di mo tuloy nakita na pumasok na pala ang love envelope ni Cong. Rachel. Thank you ulit, Cong. Rachel. 

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with