^

Pang Movies

KC, bumalik ng bansa para sa debut ng kapatid

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
KC, bumalik ng bansa para sa debut ng kapatid

Parang mabubutas talaga ang bulsa ng K-pop fans.

Every week ata may dumarating na K-pop group para mag-concert or mag-meet and greet.

Pinaka-latest ang NCT127 na nagkaroon ng concert sa MOA kahapon.

As in favorite destination ngayon ng K-pop artists ang ating bayan.

Anyway, kasama sa mga nanood si Sharon Cuneta at anak niyang si Kakie sa NCT127.

Kilalang NCT fan si Sharon.

Actually, nag-promote pa si Ate Shawie ng nasabing concert ng favorite K-pop group niya : “Tuloy ang party namin ngayon. Actually party ko ito, awa ni Lord may dagdag pampasaya pa sa napalungkot na mga buwang nagdaan. @nct @nct127 #nctmommaph”

Bago nag-fangirling si Ate Shawie ay nagkaroon ng debut party ang anak nila ni former senator Kiko Pangilinan na si Miel.

Bago pa nag-18 si Miel ay umamin na itong isa siyang ‘queer.’

Dumating din sa Pilipinas si KC Concepcion para sa debut ng kapatid. “Danced the night away to celebrate my sister @mielpangilinan’s 18th birthday!!! 18 is a big year for us Filipinos - of course I flew home for this one cuz I wouldn’t miss this for the world” Happy happy birthday yelly!!! Ughh what a beautyyy.”

Nauna nang nag-post si Sharon ng kanyang pagbati sa anak.  “I am proud of the woman you have become and of the courage you have managed to gather and display to the world. Of course I will always miss the little girl whose world was her Mama and was always dikit to her, but as long as I know that you love me, all’s alright in my world, no matter what bad things life has and continues to throw my way every so often.”

Janella, kumpirmadong hiwalay na kay Markus; ‘marites’ sa paligid ni Heart, sinabing generation gap ang rason ng ‘hiwalayan’ nila ni Chiz

Siguro nga nadadala ng mga pangyayari sa paligid kaya parang ang daming naghihiwalay.

Kahit matagal nang isyu na hiwalay na sina Markus Paterson at Janella Salvador aka Valentina, ngayon lang nakumpirma na single mom na nga si Janella nang interbyuhin siya si Bernadette Sembrano sa kanyang vlog at tinanong siya kung anong huling bagay na ipinaglalaban niya : “Being a single mom.”

Talaga raw ilalaban niya ‘yun dahil alam niyang kaya niya ‘yun.

“As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”

At aniya, gusto niyang maging independent katulad ng kanyang inang si Jenine Desiderio na napalaki sila ng kanyang brother na siya (ina) lang.

Samantala, naganap na ang inaabangang transformation ni Janella bilang Valentina na kaaway ni Darna sa Mars Ravelo’s Darna. 

Bagama’t may ilang hindi nagustuhan ang outfit niya bilang Valentina, sinabi naman ni Janella na “Special announcement for the vadengs: That wasn’t V’s final costume. Don’t worry. We gotchu.”

Pinakialaman kasi pati ang kanyang lipstick at kulay ng mata bilang si Valentina. Kaya ngayon ina­abangan ng fans kung magkakaroon ba ng pagbabago sa kanyang hitsura bilang si Valentina.

Samantala, kalat na  ‘generation gap’ ang sinasabi umanong rason ni Heart Evangelista sa ‘hiwalayan’ nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Ang daming Marites ang bumubulong na mismong ang ilang malalapit daw kay Heart ang nagsasabi tungkol dito.

Nauna nang inamin sa vlog ni Heart na may personal nga siyang pi­nagdaraanan pero wala siyang banggit tungkol sa asawang pulitiko.

Julia, ayaw sagutin ang nangyayari sa kanila ni Gerald

Nakakuha ng R-13 classification (parental gui­dance suggested) sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kauna-unahang daring movie ni Julia Barretto na Expensive Candy mula sa Viva Films.

Sa media conference ng pelikula na ipapalabas sa mga sinehan umpisa Sept. 14, sinabi ni Julia na mas marami pang exciting scenes ang dapat abangan ng moviegoers bukod sa mga nasa trailer nito na sobrang kinikiliti ang imahinasyon ng mga nakapanood.

Isang streetwalker o hooker ang ginagampanan ni Julia bilang Candy sa pelikula ­katambal si Carlo Aquino bilang Caloy, ang lalaking wala pang karanasan na magmamahal sa kanya matapos ang isang gabi ng pagsasama.

Samantala, hangga’t maaari ay gusto ni Julia na maging pribado ang relasyon nila ni Gerald Anderson na naiintrigang may problema dahil natuto na raw siyang protektahan ang kanyang personal na buhay.

 “I’ve always been very private with my personal life. I think with everything that has happened before, I’ve learned to be protective of my personal life,” banggit niya sa isang interview.

Aniya pa, gusto niyang magkaroon ng boundary ang trabaho at kanyang personal na buhay.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with