^

Pang Movies

Billy, may pangako sa pagiging Kapuso

Salve V. Asis - Pang-masa
Billy, may pangako sa pagiging Kapuso
Billy

MANILA, Philippines — Umpisa na ngayong hapon si Billy Crawford sa GMA 7, after 15 years.

Mapapanood siya sa The Wall Philippines, na co-production ng GMA and Viva.

Nauna nang sinabi ng magaling na singer / TV host na ito ang naging pagkakataon sa kanya upang makabalik sa GMA bilang freelancer.

Kaya’t bukod dito meron daw silang ibang pinag-uusapan na trabaho. “We also have other shows lined up and in the talks for now,” aniya sa ginanap na online conference early this week.

Nangako naman si Billy na magiging masaya ang kanyang programa. “I’m sure magugustuhan ng audience itong The Wall because it’s a very exciting show. The best thing about game shows is you let people’s emotions out. We want the contestants to feel afraid, excited, sad and happy.”

Nabanggit din ni GMA’s First Vice President for Program Management Department Joey R. Abacan na bukas ang network sa mga partnership na magbibigay sa audience ng ‘superior entertainment,’ “Ever since naman, GMA has been very collaborative. You cannot contain talents in just one company; you have to expand. And now, I’m so happy that we have Billy and we’ll be able to work with each other again.”

Kaya’t asahang marami pang ibang programa ang mapapanood sa GMA na mayroon silang ka-collab.

Pero may chance kayang magkaroon sila ng collab with ABS-CBN ngayong kumbaga ay nakapreno ang investment deal ng ABS-CBN and TV5 dahil sa  pagsilip ng ilang kongresista sa nasabing agreement kahit naipaliwanag na ang magiging setup nito?

Anyway, mapapanood ang The Wall Philippines this Aug. 28, every Sunday at 3:35 p.m..

Pero bakit kaya naudlot ang pagpasok ni Matteo Guidicelli sa Unang Hirit two weeks ago?

Alam na ng ibang host ang pag-join niya sa morning show ng GMA pero biglang preno at biglang ang sabi may mga inaayos daw na legal clearance.

Or baka naman sa ibang programa na papasok si Matteo?

Broken marriage... nila Jodi, pinataob ang adaptation ng ibang bansa sa contentAsia

Nanalo ang The Broken Marriage Vow, na local adaptation ng Doctor Foster (BBC) sa ContentAsia Awards 2022 na ginanap sa Thailand, ng Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia, kung saan nakalaban nito ang ibang programa mula sa Thailand at Hong Kong.

Nakatanggap din ng nominasyon ang lead star na si Jodi Sta. Maria ng Best Female Lead in a TV Programme at siya ang tumanggap ng award para sa Best Format Adaptation.

Samantala, nasa listahan din ng mga nominado para sa Best Asian Comedy Show ang My Papa Pi nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach at nakalaban ang mga programa mula sa Thailand, Malaysia, Indonesia at Taiwan.

Ginanap ang awarding ceremony sa Agosto 26 (Biyernes) sa Bangkok, Thailand na magkakaroon ng livestream sa Facebook.

Pagmamay-ari ang ContentAsia Awards ng ContentAsia, isang information platform na handog ang balita at impormasyon tungkol sa Asian content.

Hatid ang video lessons mula preschool hanggang Grade 12.

‘School Anywhere’ ng Knowledge Channel nagbabalik, Bianca tuloy ang pagbibigay ng parenting advice

Kasabay ng pagbubukas ng mga paaralan ngayong Agosto, at sa pagbabalik ng mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan, inilun­sad ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) ang School Anywhere na nagbibigay ng mas malawak na access para sa mga estudyan­te at guro na mapanood ang kanilang mga programa sa telebisyon, online at offline.   

Layunin nitong gabayan ang mga estudyan­te at ang mga guro sa kanilang hybrid or blended learning curriculum kasama ang mga paborito ninyong artista at influencers na tatalakayin ang iba’t ibang subjects sa eskwelahan. 

Patuloy ang Knowledge Channel sa pagpapalabas ng educational­ shows nito online ngayong school year na angkop mula preschool hanggang senior high school.

 Ilan dito ang bagong season ng Wikaharian Online World ni Teacher Michelle Agas, at MathDali Live kasama si Robi Domingo.

May bagong episodes din ang online trivia quiz show na Knowledge On the Go kasama si Coach Lyqa Maravilla, at Art Smart kasama si Teacher Precious Gamboa. 

Tuluy-tuloy rin ang pagbibigay ng parenting advice mula sa mga eksperto sa TalkED: Early Childhood Series ni momshie Bianca Gonzalez tuwing huling Huwebes ng buwan, habang magsasaya rin ang mga chikiting sa masayang nursery rhymes kantahan sa Pop Babies.

Layunin ng School Anywhere na magbigay ng mas malawak na access para sa mga estudyante at guro na mapanood ang kanilang mga programa sa telebisyon sa pamamagitan ng 17-hr curriculum-aligned programming sa cable, DTT, at direct-to-home satellite, pati online sa iWantTFC. Mapapanood din ang video lessons on-demand sa Facebook at YouTube page ng Knowledge Channel.

Palabas din ang School Anywhere sa Kapamilya Channel tuwing Linggo, 7 a.m., at sa A2Z mula Lunes hanggang Biyernes, 7 a.m.

Iba na kasi talaga ang format ng pag-aaral ngayon ng mga kabataan.

Hindi na excitement ang nararamdaman ng mga bata, may halong takot dahil sa COVID at ngayon ay may monkeypox pa. May dengue rin.

May baha pa.

Kaya importante rin itong may mga ganitong programa na puwedeng pagkaabalahan ng mga estudyante.   

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with