^

Pang Movies

Dawn, nagpapa-therapy!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dawn, nagpapa-therapy!
Dawn

Nagpapa-physical therapy treatment si Dawn Zulueta at bago pa mag-worry ang friends at fans niya, nilinaw nitong hindi siya naaksidente. “Physical therapy for my cervical spine compression. No, wasn’t by any accident; just degenerative.

“Gotta yoga and ballet, my way outta this if I wanna get more relief. #roadtoreco­very #painmanagement,” ang hashtag na ginamit ni Dawn.

Ang daming naka-relate kay Dawn, ang netizens na kapareho ng medical problem niya at sana, matulungan sila sa post na ito ni Dawn. May mga nagpahatid ng dasal sa paggaling ni Dawn at mga taong may ganitong sakit.

Malalaki na ang dalawang anak nina Dawn at asawang si Anton Lagdameo na kasalukuyang Special Assistant to the President.

Billy, napopogian kay Alden

Magsisimula na this Sunday, ang premiere ng The Wall Philippines na si Billy Crawford pa rin ang host. Mukhang hindi lang ang game show ang gagawin ni Billy sa GMA 7 dahil sa isang interview, napag-usapan ang mga project na puwede pa niyang gawin habang nasa GMA siya.

Natanong din si Billy kung sinong Kapuso star ang gusto niyang makatrabaho if given the chance? Si Alden Richards agad ang isinagot ni Billy at nagbiro na dahil sa pogi raw si Asia’s Multimedia Star. “Maraming beses ko nang na-meet si Alden at personally sa tingin ko, siya ang isa sa mga pinakamabait at totoong tao na nakilala ko sa industriyang ito.

“Grabe ang kabaitan at kagaling ng taong ‘yun kaya hanga ako sa kanya. Saludo ako kay Alden at kaya gusto ko siyang maging co-host if ever sa isang show,” sabi ni Billy.

Sigurado namang gugustuhin din ni Alden na makatrabaho si Billy dahil ang paliwanag nga nito tuwing may bagong nakakatrabaho, may matututunan siya at dagdag na learnings ‘yun sa kanya.

Samantala, mapapanood nga si Billy sa ibang shows ng GMA 7 dahil nag-guest siya sa Bubble Gang. Nag-taping na siya at nakasama niyang mag-guest si Lianne Valentin.

Moira, mabilis naka-move on sa asawa

Natutuwa ang friends at fans ni Moira dela Torre na mukhang mabilis siyang nakapag-move on sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa. Saka, tila may project ang singer na self-improvement at leveling up.

Una na nga, pumayat siya na inakalang dahil ‘yun sa paghihiwalay nila ng asawa, kung anumang rason, nakabuti ‘yun kay Moira dahil nabawasan ang timbang niya. Nitong huli, nagpa-tattoo siya sa braso yata, tapos, nakipag-bonding sa mga Barretto na mahigpit ang yakap sa kanya nang sila’y magkita-kita.

Nakipag-bonding din si Moira sa vlogger na si Mimiyuuuh, sa mga kaibigan at nag-spend ng time kasama ang kanyang lolo.

Masaya namang ibinalita ni Moira ang pagkakaroon niya ng digital billboard sa Times Square sa New York. Pinost nito ang billboard sa Instagram at may caption na “unreal... we made it to times square. i love you @spotify.”

Marami uli ang nag-congratulate kay Moira sa bagong feat niyang ito. May mga nag-comment na deserve niya ito dahil bukod sa hardworking, magaganda ang songs niya at magaling siya.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with