^

Pang Movies

Billy, ‘di nahihiyang bumalik sa GMA!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Wala nang urungan pa ang pagbabalik sa Kapuso Network ni Billy Crawford.

Kasado na ang pagiging host siya ng game show na The Wall Philippines na magsisimula ngayong Sunday, Aug. 28, 3:35 p.m.

Wala namang isyu ang pagkakaroon ng show sa GMA ni Billy. Tuloy pa rin naman ang noontime show niyang Tropang LOL sa TV5.

May umepal nga lang na netizen kay Billy sa isang video post niya sa Instagram.

Komento ng netizen na hindi na namin pinangalanan, “HINDI KA NA NAHIYA BUMALIK KA ULI SA GMA.”

Sagot naman ni Billy, “Actually HINDI kasi I still have Tropang Lol sa kapamilya, sa TV 5 so now Meron na pong GMA for the wall.

“Hindi ako nahihiya mas nagpapasalamat pa po na 3 stations. May trabaho po ako. Kayo hindi ka na hihiya pumunta dito para manggulo,” bahagi ng buwelta ni Billy.

Mas kinampihan naman si Billy ng netizens na gustung-gusto ang hosting niya.

Sanya at Rocco, bibida sa ika-500 episode ng #MPK

Selebrasyon ng ika-500 episode ang Magpakailanman ang magaganap ngayong Sabado.

Eh dahil special day, siyempre, espesyal din ang fresh episode na mapapanood sa #MPK.

This Saturday, ang love story nina Irish at Philip ang mapapanood sa kuwentong My Kidney Belongs To You.

Pagbibidahan ito nina Sanya Lopez at Rocco Nacino at sinuportahan naman nina Allen Dizon, Dolly de Leon at Angela Alarcon.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with