^

Pang Movies

Ejay minadali ang proposal kay Jana  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ejay minadali ang proposal kay Jana       
Ejay at Jana

Engaged na ang aktor at newly-elected Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon sa kanyang girlfriend na si Jana Roxas.
Nag-propose si Ejay kay Jana sa Mindoro sa bisperas ng kaarawan ni Jana noong August 22.
Present sa proposal ang family members nila Ejay at Jana, Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor at ang misis nitong si Hiyas, at mga kasamahan nila sa Sangguniang Panlalawigan of Oriental Mindoro.

Dapat pala ay mag-propose si Ejay kay Jana sa flag ceremony ng provincial capitol nitong August 22. Pero hindi na raw nakapaghintay si Ejay at nag-propose na siya bago sumapit ang kaarawan ng karelasyon.

Nagkakilala sina Ejay sa isang housewarming party sa Pansol, Laguna noong 2017. Parehong produkto ng reality artista-search ang dalawa. Winner si Ejay ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008 samantalang 6th placer si Jana sa StarStruck Season 3 ng GMA noong 2005.
Noong pa may chismis na kasal na ang dalawa, pero pinabulaanan ito ng ilang beses ni Ejay.

Michelle Madrigal nakahanap ng bagong lalaki

Nakikipag-date na raw ang newly-divorced na si Michelle Madrigal.

Kinuwento niya ito sa kanyang YouTube vlog at nai-post na niya ang picture ng dine-date niyang lalake sa kanyang Instagram.
“I recently posted someone that I started dating. I was already casually dating before but I never posted anybody because I was also not emotionally available,” sey ni Michelle.
Ramdam daw ng dating aktres na may something daw sa lalakeng dine-date niya ngayon. Ayaw lang lagyan ni Michelle ng label dahil nagkakaintindihan daw silang dalawa. Pareho raw kasi silang divorced sa mga naging partners nila.

“I started seeing someone recently... I think we’re in a very good place. I don’t want to put any label dahil hindi naman importante ‘yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page. He’s also divorced, he got kids, so I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya,” diin pa niya.

Nakipag-divorce si Michelle sa American husband na si Troy Woolfolk noong 2021. May anak sila named Anika.

Hanap daw ni Michelle ngayon ay isang life partner na maiintindihan ang mga pinagdaraanan niya.

Jennifer apat na beses nang ikinasal

Kinasal na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck noong nakaraang Saturday sa isang lavish Georgia estate.

Unang kinasal ang dalawa sa Las Vegas noong July 16. Nitong Sabado ay nag-exhange “I do” sila sa harap ng kanilang pamilya at ilang mga close friends sa 87-acre waterfront compound sa southeastern Georgia na pag-aari ni Ben.

Suot ni JLo ay isang all white dress by Ralph Lauren na gawa pa sa Italy.

Ilan sa mga kaibigan nilang imbitado sa three-day affair ay sina Matt Damon, Kevin Smith, Leah Remini, Jimmy Kimmel, at ang brother ni Ben na si Casey ­Affleck. Ang mag-officiate ng kasal ay ang celebrity life coach and podcaster Jay Shetty.

vuukle comment

EJAY FALCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with