^

Pang Movies

Kim, nayakap na ulit si Xian   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, nayakap na ulit si Xian                  
Xian at Kim

Kumpleto na ang pakiramdam ni Kim Chiu ngayong nasa Pilipinas na siya at makayakap na ang boyfriend na si Xian Lim.

Sa short video na ipinost ni Kim sa kanyang Instagram, makikitang collection ito ng clips kung saan ay niyakakap niya ang sarili habang nasa US siya.

Of course, tila ipinapakita ni Kim na nami-miss na niya si Xi at wala siyang ka-hug sa US kundi ang sarili niya.

Sa pinakahuling clip, makikitang magka­yakap na sila ni Xian at halata talagang na-miss nila ang isa’t isa dahil ang higpit ng yakapan nila.

“Finally!!! complete again after almost a month! huggsss!!!!,” caption ni Kim.

Mukhang na-touch naman si Xian sa video ni Kim at komento niya, “awwwwwww hahahahah.”

As we all know ay galing si Kim sa US concert tour niya kasama ang iba pang Star Magic artists.

Halos isang buwan nga siyang nawala kaya hindi kataka-takang sobrang ma-miss nila ni Xian ang isa’t isa.

Christine, na-enjoy ang kapwa babae

Sinigurado ni Christine Bermas na may bago pa siyang ipapakita sa latest Vivamax film niyang Lampas Langit matapos niyang ibigay ang lahat-lahat sa Scorpio Nights 3.

Sa trailer pa lang ay makikita na nga raw ang maiinit na eksena nila ni Chloe Jenna at ito raw ang first time niya magkaroon ng love scene sa kapwa-babae.

Sa mediacon ay inamin ni Christine na hindi niya raw talaga bet ang girl-to-girl love scenes. “’Yun ‘yung hindi ko rin in-expect sa self ko na kaya kong gawin ‘yun. And to be honest, alam naman nila direk ‘yun na ‘yun talaga ang pinaka-ayaw kong gawin.

“Kasi kahit ‘yung project is like girl to girl, hindi ko pa rin talaga kayang gawin ‘yung ganu’ng klase,” sey ni Christine.

“Pareho kaming first time namin ni Chloe. Hindi naman ako nagsisi at the end. Nag-enjoy ako kay Chloe,” natatawang dugtong ni Christine.

Pag-amin naman ng direktor na si Jeffrey Hidalgo, wala talaga sa original script ang mga nasabing maiinit na eksena ng dalawang sexy stars.

Ang Lampas Langit ay isang sexy romance-thriller at ayon nga kay direk Jeff, ito na raw ang boldest film na ginawa after Silong and Eva.

Streaming na ngayong Aug. 19 sa Vivamax kasama rin sa pelikula sina Baron Geisler, Ricky Davao, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with