^

Pang Movies

Ate Vi, na-depress sa pagkamatay ni Cherie  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, na-depress sa pagkamatay ni Cherie         
Cherie at Vilma

Marami ang nabigla sa pagpanaw ni Cherie Gil. Bagama’t alam nila na noon pa naman ay may dinaramdam na siya, hindi nila akalain na ganoon kalala ang sitwasyon. Hindi kasi siya kagaya ng iba na lahat ng nangyayari at nararanasan nilang sakit ipino-post sa social media para makatawag ng pansin.

Isa nga sa agad na nag-react nang mabalitang pumanaw na si Cherie ay si Vilma Santos.

Nagkasama sina Ate Vi at Cherie sa maraming pelikulang kanilang ginawa in the past, at sinasabi nga ni Ate Vi, hindi niya inaasahang maagang mawawala si Cherie. “Ang naaalala ko kay Cherie lagi siyang masaya kung dumadating sa set. Minsan sinusumpong din, sino ba ang hindi lalo na kung pagod ka na, pero most of the time mahaba ang pasensiya niyan.

“Hindi ko rin inisip na may sakit siya. Hindi naman kasi siya nagkukuwento talaga tungkol doon. Si Cherie napapansin ko, basta personal na, personal na lang niya iyon. Nagduda lang ako noong magpakalbo siya. Isipin mo iyong isang babaeng maganda, na napakaganda ng buhok niyan ha, magpapakalbo. Naisip ko there must be a reason. Pumasok sa isip ko iyong chemo therapy, pero wala namang nababalitang may cancer siya,” malungkot na pahayag ni Ate Vi.

Pagpapatuloy niya : “Tapos nagdesisyon siyang ibenta lahat ng properties niya. Sa US na raw siya titira. Hindi ganoon kadaling iwanan ang show business, lalo para sa isang aktres na gaya ni Cherie, pero dahil doon kinutuban na ako. Maraming kuwento pero hindi mo naman lahat paniniwalaan, hanggang sa dumating na nga iyon, aaminin ko na-depress ako. How can somebody so young, and so vibrant just pass away like that. Pero ganoon talaga ang buhay, Iisipin mo na lang nakaligtas naman siya sa mas marami pang hirap,” sabi ni Ate Vi.

Lovi, producer na rin

Usap-usapan ngayon ang balak na pagpo-produce ni Lovi Poe. Hindi natin masasabing magpo-produce si Lovi dahil sa paniwalang mas malaki ang kanyang kikitain doon.

Mas kapani-paniwala na may mga gusto siyang gawin na inaakala niyang mas madali nga niyang magagawa kung siya na ang producer, kaysa sa maghintay siya ng isang producer na gagawa ng projects na iyon.

Minsan talagang dumarating iyan sa isang artista.

Vicor, isa sa mga unang recording companies sa ‘Pinas

May gusto lang po kaming linawin sa isang item na naisulat namin noong isang araw. Ang sinabi namin, ang Vicor ay isa sa mga unang recor­ding companies sa Pilipinas. Hindi siya talaga ang una. May mga Kano na unang nag-produce ng mga plaka ng mga singer na Pilipino, pero sila ay kinatawan pa rin ng foreign labels. Ang mga unang Pilipino recording companies ay ang Mareco, o Villar Records ni Don Manoling Villar, ganoon din ang MICO records at RPS.

Noong mid-sixties, noon pumasok ang Vicor, kasabay rin ng pagsikat ng combo na Orly Ilacad and the Ramrods. Si Tata Orly at ang pinsan niyang si Vic del Rosario ay nagsosyo kaya nga Vicor. Noon din pumasok si Buddy de Vera ng Alpha Records. Nauna nang kaunti sa kanila ang Dyna Records ni James Dy. Ganoon din ang The Swan, at ang Gradeur Records ni Nonoy Balboa.

Ganyan po nagsimula at lumaki ang recording industry sa Pilipinas.

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with