^

Pang Movies

Juliana, naaligaga nang magtrabaho kay Goma

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Juliana, naaligaga nang magtrabaho kay Goma

Nagtatrabaho pala si Juliana Gomez sa Kongreso, sa office ng dad niyang si Leyte 4th district Congressman Richard Gomez. Hindi nabanggit ni Goma ang exact position ni Juliana, pero taga-research daw niya ito at takbo nang takbo sa rami ng kanyang inuutos.

Dumating si Juliana sa interview kay Goma at natanong ng press kung hindi ba siya napapagod sa rami ng utos ng dad niya. Umiling ito. Kapag pumasok sa pulitika si Juliana, may background na siya.

Graduate ng BS in Public Admi­nistration si Juliana. Pero, sabi nito, mag-e-enroll pa siya ng Mass Communications at may iba pang plano na wala sa pulitika.

Matangkad si Juliana na ang mga mata ay mana kay Goma at ang boses ay kaboses ng mom niyang si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

Inamin din nitong may boyfriend siya na aprubado ng kanyang mga magulang.

Samantala, hindi ititigil ni Goma ang kanyang cooking show sa kanyang vlog na napapanood sa YouTube at ginagawa niya ito kapag nasa Ormoc siya.

Umuuwi pala siya ng Ormoc every Thursday at balik-Manila ng Monday morning. Of course, kung may mga gagawin siya sa Kongreso, hindi muna siya uuwi ng Ormoc.

Barbie at Jak, nag-iipon na para sa kasal

Nagsimula na ang taping ni Director Zig Dulay ng Maria Clara at Ibarra na October na pala ang target airing. Ang present time pa lang ang kinukunan, mga eksena kabilang ang mga eksena nina Barbie Forteza at Manilyn Reynes na gaganap na mag-ina rito.

Sa interview kay Barbie, nabanggit na mahirap ang transition from the present time sa panahon kung kailan sinulat ni Dr. Jose Rizal ang mga nobela niyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na pagbabatayan ng kuwento ng Maria Clara at Ibarra. Ang role kasi ni Barbie ay si Maria Clara sa panahon ng Gen Z na makakarating sa panahon nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra.

Isa sa nag-congratulate kay Barbie sa bago niyang project sa GMA 7 ay ang boyfriend niyang si Jak Roberto.

Ang suwerte nina Barbie at Jak, hindi nawawalan ng project. Kapag nagtapos ang Bolera na kasama si Jak sa cast, si Barbie naman ang may project. Magiging mabilis makaipon ang magsyota at kapag nakuha na nila ang target na iipunin, puwede na silang magpakasal.

Bianca, tumayo para kay Vhong

May tweet si Bianca Lapus na “Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man. Otherwise it won’t be easy for me to become. Friends and co parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan.”

Ang tinutukoy ni Bianca na good man ay si Vhong Navarro na ama ng kanyang panganay na anak. Pinakasuhan muli si Vhong ng Rape and Acts of Lasciviousness na kaso na nila ni Deniece Cornejo dati.

May kasunod pang post si Bianca na nagsasabing, “When you destroy someone’s life with lies. Take it as a loan, it will come back to you with interest.”

Ang daming reactions ng netizens, may kumampi kay Vhong, may kontra, may kumampi kay Deniece at may ayaw pumabor kay Bianca.

Maid…, pinilahan din ng mga Madre?!

May mga madre na nanood ng Maid in Malacañang at bumili sila ng tiket. May mga madre ring pumila sa opening day ng nasabing pelikula. Ang ganda sana kung na-interview sila at natanong ng reaction sa eksenang nagma-mahjong si former president Cory Aquino kasama ang ilang madre.

Tanong ng netizens, mapagalitan kaya, masuspinde o matiwalag sa kanilang kongregasyon ang mga nasabing madre nanood ng pelikula na pinag-aawayan at pinagdedebatehan ngayon?

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with