^

Pang Movies

K at Pokwang, naaksidente sa Amerika

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
K at Pokwang, naaksidente sa Amerika
K at Pokwang

Na-tweet ni K Brosas ang car accident na nangyari sa kanila habang nasa America para sa US Tour nila ni Pokwang.

Tweet nito, “So na car accident kami kanina, thank you Lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance, firetrucks etc... na check naman ako at ok lang, mabuti malaki ‘yung pick up truck kung saan kami nakasakay.”

Sa isa pang tweet, pinakita ni K ang sinakyan nila na nabangga at wasak ang gilid kung saan siya nakaupo. Sa side raw niya ang impact ng bangga kaya siya lang ang may minor injury at malayo sa bituka.

“Ok pa rin naman ako at kaming lahat. Stay safe po,” panghuling tweet ni K at pag-a-assure sa friends at family niya rito na okay siya.

Cong. Sandro, ‘di na sinasama ang GF

Dumating pala sa GMA Thanksgiving Gala si Cong. Sandro Marcos, pero sorry na lang sa mga Marites pati ‘yung mga dumalo sa gala dahil solo ang eldest ni President Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos. Hindi nito kasama ang rumored girlfriend na si Alexa Miro.

Sa nakita naming photo, enjoy nagpakuha ng litrato si Atty. Annette Gozon-Valdes at mga taga-Sparkle GMA Artist kay Sandro na all smiles naman. Kung ganitong dumadalo pala sa mga event si Sandro na may halong showbiz, siguradong may mga susunod pa siyang imbitasyon.

Kabilang din sa dumalo ang mag-asawang Cong. Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

Samantala, na-turn over na sa GMA Kapuso Foundation at kay Mel Tiangco ang P1.4 million pesos galing sa GMA Gala Night sponsors.

The amount will be used to seed money to help rebuild schools in earthquake affected areas in Abra at para rin sa GMA Kapuso Foundation’s School Deve­lopment project: Classrooms at Magallanes Elementary School in Limasawa Island, Southern Leyte.

Alice, pakonti-konti ang pagpapakita ng asawa

May face reveal na ang husband ni Alice Dixson at naganap ito sa GMA Thanksgiving Gala kung saan, ang husband ang date ng aktres. Kasama nila sa litrato sina Maricel Laxa at husband na si Anthony Pangilinan, Jean Garcia at anak na si Kotaro at foreigner na ang guy.

Kaya lang, hindi na namin mahanap ang group picture, kaya wala na kaming copy ng photo. Sabagay, malapit na rin siguro siyang ipakilala ni Alice sa followers niya sa Instagram dahil sa isang post ng aktres, ipinakita na nito ang kalahating mata nito.

Ilang post pa siguro, makikita na natin ang buong mukha ng husband ni Alice.

Anyway, naging isyu pala ang hindi pagsunod ni Alice sa dress code ng GMA Thanksgiving Gala dahil yellow ang kulay ng suot na gown. Habang ang karamihan sa party ay black or white ang suot. In fairness to Alice, hindi lang siya ang hindi sumunod sa dress code, Sparkle artists din at bisita na ibang kulay ang suot.

Diego, sinimplehan ang pagbati sa ama

Maiksi lang ang birthday greetings ni Diego Loyzaga sa ama niyang si Cesar Montano na nag-celebrate ng 60th birthday noong Aug. 1. Pinost ni Diego ang old photo ni Cesar na bata pa ang aktor at talaga namang guwapo.

“Happy birthday to this handsome man @cesarbuboymontano I love you Dad!,” caption ni Diego sa birthday greetings sa ama.

Senior citizen na si Cesar sa kanyang birthday at sa red carpet premiere pa lang ng Maid in Malacañang, marami na ang bumati. Biniro pa ito na birthday presentation niya ang Viva Films movie na simula na ng showing ngayong araw, two days before his birthday.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with