^

Pang Movies

Sylvia, emosyonal sa engagement nina Arjo at Maine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sylvia, emosyonal sa engagement nina Arjo at Maine
Sylvia at Maine

Series of photos nila ni Maine Mendoza ang pinost ni Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram at kuha ang mga larawan sa engagement ni Maine sa anak nina Sylvia at Art Atayde na si Cong. Arjo Atayde. Ang ganda ng photos ng future magbiyenan, may hinalikan ni Sylvia sa noo si Maine, mayroong mahigpit silang magkayakap at may isa na halos maiyak si Maine sa pagiging emotional.

“He asked Her and She said, YES!!! Finally!!! Welcome to the family, Maine. Thank you for loving my son. Love you Nak. I promise that I will take care and love you as my own daughter,” caption ito ni Sylvia sa kanyang post.

Pati ang sister ni Arjo na si Ria Atayde may message rin kay Maine, “YES YES YESSSS” at “We gained a new sister”

Natatandaan namin, ni-request ni Sylvia na kung magpapakasal sina Arjo at Maine, bigyan agad siya ng maraming apo dahil gustung-gusto na niyang magkaapo. Ibig sabihin nito, kailangang ikasal na agad ang engaged couple para mabigyan ng apo sina Sylvia at Art.

May mga nagko-comment pa na masuwerte si Maine for having Sylvia as her mom-in-law dahil mabait daw ito at maalagang biyenan. Pinasalamatan naman ng fans ni Maine si Sylvia at ang pamilya nito for loving Maine.

Deleted na ang post sa Instagram account ng isang fan nina Alden Richards at Maine Mendoza simula kahapon, nang lumabas ang balitang engaged na si Maine kay Cong. Arjo Atayde. Isa ang IG account ng AlDub fan na naniniwalang sina Maine at Alden Richards ang tunay na may relasyon.

Sa account ding ito mababasa ang mga kuwento na may dalawang anak na sina Alden at Maine at may mga pangalan pa nga silang sinasabi. Never nilang pinaniwalaan ang relasyon nina Arjo at Maine at para sa kanila, palabas lang lahat ang photos, sightings at pagse-celebrate ng dalawa ng kanilang relasyon.

Sabagay, hanggang ngayon naman, may ilan pa rin sa kanila na hindi naniniwalang engaged na sina Maine at Arjo. Proposal pa lang daw ang naganap, hindi pa sila ikinakasal. May mga sobra ang pagka-bitter na hindi pa nga ikinakasal sina Maine at Arjo, hiwalay na agad ang nasa isip.

May mga naniniwala ring edited at staged ang proposal ni Arjo na kung tama ang tsika, sa rest house raw nina Arjo sa Batangas naganap.

Kiray, pangmayaman ang birthday celebration

Sa kuwento ni Kiray Celis sa Zoom interview sa cast ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na Return to Paradise, papunta na rin sila ng kanyang boyfriend sa proposal nito ng kasal. Kuwento ni Kiray, nakikita niya na kapag nasa mall sila ng boyfriend, tumitingin-tingin na ito ng ring sa mga jewelry store.

Ilang beses na raw niyang nakita ang BF na tumitingin-tingin ng rings at sabi ni Kiray, kung bibili ito ng engagement ring o wedding ring, ‘yung medyo mahal. Pag-iipunan naman daw ito ng BF dahil may trabaho ito.

Tama naman si Kiray, kung afford namang bumili ng medyo mahal na engangement o wedding ring, ‘yung mahal na ang bilhin.

Samantala, may mga lumabas na larawan si Kiray na kuha sa taping ng Return to Paradise na sumabay siya kina Elle Villanueva at Liezel Lopez sa pagsusuot ng bikini. Wala pala siyang eksenang kailangan niyang mag-bikini, walang sexy scene ang karakter niyang si Raichu, ayaw lang niyang magpatalo sa dalawa.

Birthday ni Kiray noong July 29, at sa 27th birthday niya, sa yate siya nag-celebrate ng kanyang kaarawan. May birthday message siya sa kanyang sarili at doon sinabing proud siya sa pagiging matapang at masipag niya. Sa sobrang sipag nito, afford bigyan ng bonggang birthday party ang kanyang parents.

Ella, nagkorona sa premiere ng maid…

Ang suot na maliit na korona sa red carpet premiere ng Maid in Malacañang ni Ella Cruz ang pinagtripan ng ibang nasa premiere night. Bakit daw may suot na korona si Ella na kung narinig nito, sasagutin ang nagtanong ng “Gusto ko lang magsuot ng korona, bawal ba?”

Isa sa magandang eksena sa movie ang usapan nina Ella at Cesar Montano bilang sina Irene Marcos at former president Ferdinand Marcos. It was heartwarming talk between a father and a daughter at may mga umiyak.

Blockbuster ang premiere night ng controversial Viva Films movie na ginawa sa three cinemas ng SM The Block. May mga block screening schedule na rin dito at sa ibang bansa at marami ang tsikang lumabas sa gabi ng premiere night na namigay si Senator Imee ng free tickets na itinanggi ng office ng senador, ng Viva Films at ni Director Darryl Yap.

Paano raw nangyari na namimigay ng free tickets noong July 29, gayung July 30 pa lang available ang tickets.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with