^

Pang Movies

Jeric, walang planong makipag-isnaban kay Rabiya

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jeric, walang planong makipag-isnaban kay Rabiya
Jeric

All systems go para sa GMA Thanksgiving Gala na gaganapin ngayon gabi sa isang five-star hotel sa Taguig City.

Inilabas na ang main hosts ng event na sina Megan Young, Atom Araullo at Tim Yap.  Red carpet hosts naman sina Martin Javier, Sophia Senoron, Tim Yap at Gianna Llanes.

Ilan sa performers sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Derrick Monasterio, Ze­phanie at iba pa.

Kanya-kanyang paandar sa kasuotan at style na old Hollywood ang konsepto.

Isa sa dadalo sa event ay si Jeric Gonzales. Sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras, tinanong siya kung magpapasinan sila ng ex-girlfriend na si Rabiya Mateo. “Siyempre naman. Papansinin ko si Rabiya,” sagot ni Jeric.

Ang proceeds ng event ay mapupunta sa projects ng GMA Kapuso Foundation at live ang streaming nito sa social media accounts ng GMA Network.

Dominic, ‘di nagdalawang-isip sa abot kamay…

Walang alinlangang tinanggap ng aktor na si Dominic Ochoa ang project ng GMA na Abot Kamay Na Pangarap. Malaking factor din kay Dom na si Carmina Villarroel ang kasama niya dahil nakatrabaho na niya ito sa isang movie.

Of course, pagbabalik ni Dominic sa Kapuso Network ang project. Makakasama nina Mina at Dom sa series sina Richard Yap at Jillian Ward.

Bianca, magpapaka-ina sa mga kapatid

Fresh ang episode tonight ng Magpakailanman na Insta-Nanay.

Bida sa episode si Bianca Umali na gaganap na ina ng mga batang kapatid dahil sa nabilanggong ina. Gaganap na ina ni Bianca ang magaling na aktres na si Rita Avila kasama sina Ces Quesada at Mon Confiado.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with