GMA, itinangging may offer kay Sarah
Fake news ang kumalat na balitang lilipat sa GMA Network si Sarah Geronimo!
Muling kumalat ang balitang tatalon sa Kapuso si SG nang ipinakalat na babalik na siya sa ASAP!
Nasa variety si Sarah last Sunday pero video lang ng kanta niyang Duyan ang ipinalabas. Walang live appearance si SG!
Para maliwanagan ang lahat sa balitang paglipat ni Sarah ng network, naglabas ng isang quotation mula sa GMA entertainment executive na si Lilybeth Rasonable tungkol sa lipatan.
“Ang tagal na din naming naririnig ‘yan, but no,wala kaming offer kay Sarah G,” diin ni Ma’am Lilybeth.
Naku, huwag nang pakalatin pa ang balitang lilipat sa GMA si Sarah, huh!
Miguel at Ysabel, lutang ang ‘relasyon’
Tumindi ang tsismis kina Kapuso artists na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega nang sabay silang dumating sa press preview ng TV series nilang What We Could Be sa Trinoma cinema.
Blooming ang ganda ni Ysabel habang guwaping na guwaping naman si Miguel.
Ang What We Could Be ang unang collaboration ng GMA at Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.
Maganda ang pagkakagawa ni direk Jeffrey Jeturian.
Magagaling sina lead cast na sina Ysabel, Miguel at Yasser Marta. Bongga rin ang performance nina Celeste Legaspi at Joyce Anne Burton na mahalaga ang role sa series.
Cinematic din ang location na ginawa sa Taal, Batangas pati ang cinematography, music at iba pa.
Sa Aug. 15 ang pagpapasabog ng kilig nina Miguel, Yasser at Ysabel sa GMA Telebabad bilang kapalit ng Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
- Latest